Birthclub: Setyembre 2021 icon

Birthclub: Setyembre 2021

12.3 K following

Feed

Toxic life

Pls. Hide my identity po. I just want to vent out ung mga hinanakit ko po. Wala po kasi akong masabihan. I am married po at may 1 anak na toddler. Wala naman po akong problema sa husband ko. Sa mga inlaws q Lang po talaga di q na po talaga kinakaya. Bali kami po ay nakatira sa poder ng family ng husband q. Although my sarili kaming bahay when it comes sa pagkain parang nakaasa parin kami sa kanila gawa bg wala kaming sariling kusina. Dahil may kainan na negosyo ang pamilya ng asawa ko. Sama sama tuwing oras ng pagkain.Gusto naman po ng asawa q  na magbigay sa biyenan ko kaso ayaw din kunin gawa ng parang nagbibilang daw.Nagkaroon po ako ng post partum depression few months after ko manganak cguro gawa na rin ng lack of family support. Malayo po kasi ung lugar ng family ko dito sa amin broken family pa kami and i have a very traumatic childhood di q nalang po i kwento because it's a very long story. A week after Kong manganak busy ung asawa ko kakaasikaso ng mga papers like philhealth,sss,birth certificate,most of the time ako lang mag isa sa bahay dahil busy sa paghahanap buhay ang asawa ko. FIrst time mom po ako although registered nurse po iba pa rin po talaga pag sarili mo ng anak ang usapan. Di na man naging pabaya ang asawa ko sa akin at sa anak namin. Pareho kami ng profession ng biyenan kong babae retired na sia.Napressure ako sa biyenan Kong babae gawa ng may mga tanong ka kanya or mag seek ka ng advice pagsasabihan ka ng di  mo ba alam yan diba napag aralan yan natin di na ako umiimik para makaiwas sa gulo. Most of the time papamukha talaga sayo na para Kang walang alam at kahit I fight out mo ung point mo never Kang magiging Tama. Nasabi ko na din to asawa ko napagsabihan naman Nia kaso paulit2x lang din ang mga nangyayari at nauuwi lang sa pag bebreakdown ko, I'm so depressed,sa ngayon po di pa namin kayang lumayo layo gawa ng financial reasons. Di ko din po maiwasang icompare ang sitwasyon ko sa hipag ko ( asawa ng kapatid ng husband ko) gawa ng maganda naman ang trato sa kanya laging appreciated lahat ng pakikisama ay nagawa ko na, nag eeffort naman ako lagi ako yong tipo ng tao na mag bibigay ako kahit wala ng matira sa akin kasi masaya ako na nakakapagbigay kahit simpleng bagay man langpero iwan ko ba Kung anong Mali sa akin, I cannot be myself, kailangan bantayan q ung galaw ko ultimo ung way ng pagtawa ko, di ako ung babaeng mahinhin medyo magaslaw ako gumalaw at ayaw ng biyenan ko ng ganoon mapagsasabihan ka talaga o titingnan ka ng masama tinatry kong ideadma pero affected talaga ako kasi ganoon talaga ako eh. Nasasaktan lang ako pag ikinukwento sa akin ng asawa ko na ng bagong panganak ang hipag ko ay araw2x nilang pinupuntahan sa bahay nila Para I check at minsan ay kinukuha nila ang Bata Para makapagpahinga sia na miminsan ay di ko na naranasan minsan gutom na gutom ako at wala man lang nag ooffer na maghawak sa anak ko para makakain ako ng maayos nahihiya ako na ako ang magsabi kasi parang di naman sila willing common sense nalang sana. Wala man lang nag ooffer na kunin kahit saglit lang ang bata para makapagpahinga ako,makatulog o kahit makaligo man lang kahit sandali man lang. May mga times na kinukuha nila ang bata hindi para makapahinga ako kundi Maka gawa ng ibang gawain like Magtipon ng mga pinagkainan namin at mahugas ng mga kaldero pinggan tuwing may tipon2x wala silang konsiderasyon sa akin sa pagpapadede palang ay ubos na ang energy ko  breastfeed kasi ang anak ko hindi ko matiis na iwan lang jan ang mga kalat gawa ng maya maya ay di ka iimimikin ng biyenan kong babae.Kahit anong gawin kong kalimutan ay di q magawa at paulit2x lang bumabalik sa isip ko mga ginawa nila sa akin kasi laging na uulit lang. Yung wala Kang makuhang supporta kahit emotional support ma lang gawa ng first time mom ako at wala akong ka tuwang sa anak ko,puyat ako lagi gawa ng nagbebreastfeed ako,antok pero tinitiis kinakaya para sa anak ko. Di q alam kong hanggang kailangan q ito kakayanin kasi parang di q nakaya ang lahat lahat. Please don't bash me.I need your advice po salamat.

Read more
undefined profile icon
Write a reply
Load More Posts