
Hello mga mi, ask ko lang po 1st week of june palang nagka monthly dalaw na po ako tapos june 24 na doo kami ni LIP(deposite na namin sumakses) tas kinabukasan po June 25 nagka regla ulit po ako pero 1st day di gaanong madami pag 2nd day lang gang nag brownish discharge ng 28-30 at buwan ng july no regla na po ako (buntis) TANONG KO PO yung June 25 po ba yan yung First Day ng Last Period ko po? please po pasagot naman sa may mga alam po. PS: June 24 yan lang po talaga na araw kami nag try na di na mag withdraw naka pag decide na po kasi kami na deposit na po namin.🤗#Needadvice #pregnancy #AskingAsAMom #NEEDANSWER #asianparent
Read more





pa advice and cheer up mga mommies! silent reader here.
hello mga mommies Im 40 years old, 2nd pregnancy ko na ito, 1st pregnancy ko last april 2023 pero nakunan ako ng july 2023, sobrang depressed at nagka anxiety ako. nag undergo ako sa medication kasi sinisisi ko sarili ko, dahil pakiramdam ko kasalanan ko yun, since may part sakin na ayoko na at sumuko ako dahil nahihirapan ako, suka palagi, masakit katawan ko at hindi ako makatulog to the point na kelangan ko pa mag pa hospital para lang patulugin kasi naghihina na ako. wala din akong support system sa family, friends at partner ko, ang dami kong iniisip at inaalala. business, gastos, family, may adopted daughter ako na 2 years old that time pero may yaya naman, then nag aalala ako sa pagbubuntis ko kung kaya ko ba, as in magulo so in short hindi healthy at masaya ang 1st pregnancy journey ko at sadly nawala nga. Anyway ang pregnancy ko this time ay wala sa plano, since 40 nako at tumatak na sa isip ko na na mag focus na lang ako sa daughter ko which is 4 years old na at nag aaral na, at naeenjoy ko ang relationship namin mag ina. So eto na nga last july 20 2025 nag PT ako kasi napansin kong may kakaiba akong nararamdaman at familiar ang feeling, so ayun na nga positive. last period ko June 24 2025, so nag pa check kami ng partner ko, at yun na nga positive pero sac pa lang pinapabalik after 2 weeks since maaga pa, babalik kami this aug. 7 para icheck kung meron ng heartbeat. si partner tuwang tuwa, excited. this time napaka asikaso nya sakin, sya lahat pati sa business ko, todo ang support nya sakin, at ang daughter ko excited. ako mixed emotions, natutuwa ako at naeexcite pero may part sakin na kinakabahan at natatakot lalo na pag nafifeel ko na naman ung pagsusuka, pananakit ng mga buto2 ko at hindi na naman ako makatulog. walang nakaka alam sa both families namin, friends and sa office kasi gusto namin na isekreto sana muna dahil sa natatakot ako sa past experience ko, so eto lang talaga ang outlet ko para makapag share ng nafifeel ko since wala akong makausap. 1st time to share din pala dito, and pasensya na sa long post. ano po kaya maisuggest nyo para mawala ang body pains ko? at ano ba mga magandang kainin, at masarap na inumin na milk? hindi pala ako nainom ng milk kasi ayoko ng lasa at sinisikmura ako, baka may maishare kayo para maging madali at maenjoy ko na ang pregnancy ko this time kahit na may edad nako. salamat po! #pregnant #Needadvice #1sttrimester #morningsickness #anxiety #nausea #pregnancy5weeks #backpain1sttrimister #LegCramps
Read more