Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
23.4 K following
Hello mga mommies. Ask ko lng ano mas maganda pwedeng ipalit s bonnamil turning 1 n po ang bb ko.
Turning 1 na ang baby ko ano pwde kung ipalit s milk ny bonnamil sya . Suggestions po. Ung budget friendly lang po sana
39 weeks today....
Mga mi, ask ko lang kase kagabe parang medyo mabigat sa may bandang puson ko na nananakit ung balakang ko pero oks lang naman tolerable naman. Tapos kanina umaga paggising ko may discharge ako color brown. Light brown lang naman, tapos sinasabayan ng pananakit ng puson na parang yung start ng regla ganon. Pero nawawala din. Parang pasulpot sulpot lang ganon tas maya maya mawawala din. Sign po ba yun na malapit na mag labor??
39 weeks today💛💛
Hayy, ang likot pa din ng baby ko sa loob ng tiyan kaya sobrang thankful ako. Kaso wala pa ding signs of labor, no discharge only white lang yung creamy. Minsan may parang sipon pero konte lang. Uminom inom na ko pineapple juice, kumain ng pinya, nakikipag do kay hubby. Gumigising ng maaga para maglakad tas lakad ulit sa hapon, squat . Linis linis sa bahay para matagtag kaso wala.. Kakapagod, kaya hayaan ko nalang kung kailan gusto ni baby lumabas. 😅 pa sasaan pa't lalabas din sya.. Di lang maiwasan mag overthink minsan kase baka ganito, ganyan. Pero pray lang talaga. Excited lang ako mameet baby ko, tsaka gustung gusto ko na makaraos talaga. Bigat na bigat na ko 😂 hayss
At my 38 weeks and 5 days.
Hi mga mamsh, ask ko lang po about primerose oil. Kase when I was at my 37 weeks niresetahan na ko ng OB ko ng primerose. Insert ko daw sa pempem 3x every after 8 hrs. Kaso parang naglileak sya kaya feeling ko walang effect tsaka hindi ko din nadidiretso pag lalagay. Okay lang ba inumin ko nalang kesa iinsert sa pempem ko? Mas effective ba yung insert or inom? Kase till now wala pa din ako sign of labor. Pati sa discharge ko white lang sya na parang sipon pero konte lang tsaka minsan lang.
38 weeks and 3 days 🥰
Ngayon lang ako nainip ng ganito. 😅 Wala pa ding sign of labor.. Hays praying na sana lumabas na baby ko 🤧😅
pwede bang mag take o gumamit ng prim rose kahit wla advice ni ob. 38 weeks na po ako
Husband/ single wife
Minsan gusto ko na umalis sa piling nya dahil di ko maramdaman na may asawa ako, may partner ako sa buhay oo nabibili nga nya pangangailangan namin mag ina pero di pala sapat yon. Hindi ako materialistic na tao. Oo may pamilya nga sya pero bago kami ikasal tinanong ko sya kung ready na ba sya sa buhay asawa oo daw nakakalungkot lang kasi di mo maramdaman sabi niya babawi daw sya saakin at saamin mag ina dahil wala sya nung nanganak ako. Nasstress ako sa nanay nya sa ginagawa nya saamin mag ina. Sinasabi ko sknya yon pero di sya nakikinig saakin. Balewala lahat ng sinasabi ko. Alam ko kapag may problema saamin mas pinipili niyang wag nalang pag usapan at magpanggap nalang na walang problema. Di ko alam aabot ako sa nawawala na yung feelings ko sknya at gusto ko nalang lumayo saknila. Tutal tingin naman nila saakin e kontrabida sa buhay nila.
Help mommy's
Mommy's pano po kaya to ma wawala naawa na Ako sa baby ko please help 🙏
Sis in law and mother in law
Yung nakakainis sa lahat ako yung nanay pero ayaw nilang nakikinig saakin (family ni husband) tuwing nagsasalita ko concerned ko e yung bata ako pa yung mali saknila. Sana naintindihan nila na may amoeba yung bata dahil sila nag alaga sa bata ngayon na ako yung nag aalaga di na daw nakakakilala yung bata di na daw sila kilala e paano di ko ipapaalaga saknila di naman nila inaayos pag alaga sa bata. Nakakainis lang kasi anak ko naman yon di naman nila anak yon. Tapos isa pa tong asawa ko, halos ala kong kakampi sa bahay nila.
Uti or nah?
Mag 1 year old na baby ko sa march and napansin ko lang halos dina sya nakakapuno ng diaper compare noon na laging umaapaw pag papalitan. Normal po ba? Ask po muna before going to pedia. Don't judge!