Birthclub: Enero 2025 icon

Birthclub: Enero 2025

23.4 K following

Feed

Orig Ob Vs. Second Opinion

Ang orig.ob ko, binigyan nya ko ng sandamakmak na test kasi sabi nya bumukas daw pwerta ko ng 1 cm tapos sa bi nya ok lang daw ang panubigan ko, hindi nya mineasure si baby at stress ako sa mukha nya pag mention nya na breech si baby, after nya sabihin na bumka cervix ko, pinaadmit nya ko at tinurukan ng dexa 4 times, utrogestan for 12 days at magSO4 , after ko lumabas, second check up, hindi nya ko ina.IE at pinaderetso nya ko ng NST, at again yung mukha nya para bang end of the world na nung makita nya na medyo mataas heartbeat ni baby, all in all na gastos namin sa week na yun dahil sa ob ko nasa 25k, at 33 weeks but in her ltz advance ng 2 weeks ang baby peeo hindi nya sinabi ang timbang ni baby or kung gaano na sya kalaki. Wala sa akin yun para sa kaligtasan ni baby, pero ang mama ko sabi nya , why dont we asked for second opinion kasi ngayon gusto na naman ni ob pa admit ako, dahil daw baka cord coil pero.. ang likot ng baby ko, hindi naman pumutok panubigan ko, walang bleeding at walang discharge, sumasakit ang puson pero tolerable at nawawala lang din pag ihiga ko.. so, dumulog kami sa isa pang ob [this ob is a very renowned ob sa lugar namin naghintay lang naman kami ng 4 na oras para lang magpa consult sa kanya , ganyan kadami pasyente nya] pinakita ko sa kanya lahat ng test na ginawa ng ob ko pati na ang NST result, at she was dumbfounded about my results kasi NORMAL lahat ng test results ko, no need for bedrest , she pointed out pointless ang pagpaadmit ko kasi pwede naman na utrogestan lang at wag magpakapagod ang gawin at hindi na kailangan ng mga ginawa sa akin, sa NST ko naman .. Normal lang daw yung result! Then she asked, is it... Dr. *******? Nagulat ako kasi bakit kilala nya. Sabi ko, yes po doc. Nagpatango tango lang sya and then niyaya nya ko sa utz table and check my baby's condition, my baby is in his right gestational age, with adequate amniotic fluid (madami pa nga daw) , tamang gestational age ang walang cord coil. P.S. My orig ob owns the medical facility kung saan ako inadmit at kung saan ginanap ang mga test. Sino sa kanila, paniniwalaan ko?! Yung isa pinapahiwatig na high risk ako, at need ko magpa test every 3 days while yung isa sabi na healthy ang baby at just need to take my prenatal vitamins and keep on resting and progesterone.

Read more
undefined profile icon
Write a reply
Load More Posts