Fed Up

Yung tatay ng anak mo na laging tama. Tama ang ishake ng ishake ang bata pag buhat. Tama ang may bigote sya. Tama na wag na padedein ang baby sa gabi ( 4mos old ). Tama kasi yun ang sabi ng Nanay. P*tang inang Nanay yan. Ako nalang ang huling pinapaniwalaan. Pinapamukha saking wala akong alam porke first time mom. Letse! Ps. Sorry. Pakiramdam ko kasi, sasabog na ako. Sawang sawang sawa na ako.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang hirap niyan. . Hehe Sagutin mo saka bigyan mo ng fact.. wag mo gawin Kung ano gusto Niya ikaw Ang masusunod.. hehe samin, baby ko ako tlga masusunod. Mag away n Kung mag aaway. 🙃 Wla ako paki, Hindi nmn sila Ang mawawalan sa huli. Ako pa rin. . At ako din mahihirapan at mag aalala.. kaya keber ako sa gusto nila pag Alam ko d Tama. Kung macocompromise anak ko d ako mag dadalawang isip iwan siya saka umuwi. Kaya ko buhayin anak ko.

Magbasa pa
5y ago

Di ko nga ginagawa Momsh. Kaya simula lumabas si Baby lagi na kaming nag aaway. Sabi ko nga, hanap nalang ulit sya ng bubuntisin tapos yun ang paki pakilaman nila ng Nanay nya. Wag yung anak ko. Di kami ok ngayon. At di din kami ok nung mga nakalipas. Nakakaubos kasi sila mag ina. Hahahaha