nerbyos

Yung nagbabasa ako sa mga post nyo comments about labor nanginginig tuhod ko kabuwanan ko na po 1st bb ???

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Relax mommy. All comes naturally. Lahat tayo dumaan sa pagiging FTM, I'm 19 when I first had my baby. I'm nervous din kasi d ko talaga alam ang gagawin ko. Nahihiya akong mag ask sa mga in-laws ko nun. Basta if you feel the pain na, huminga ka ng maayos din kalmahin mo sarili mo wag kang magpanic. Just be sure ready na things na dadalhin mo sa hospital and may kasama ka. Alam mo kahit di ko alam gagawin ko nun parang it's mother's instinct na talaga ang nagstruck sakin kaya nailabas ko si baby. It's all worth the pain pag naramdaman mong nailabas na si baby. And always pray mommy☺️

Magbasa pa
5y ago

🙏🙏🙏

ako nga nextweek duedate kona and wala pakong signs of any labour first baby ko din. hindi ako natatakot kasi mas excited nako makita baby ko isipin mona lang na kapalit naman ng sakit e makita mo yung baby mong matagal mong dinala. goodluck satin nakakatakot lang kasi kung kailan tayo manganganak e nasabay pa sa virus pray pray lang palagi.

Magbasa pa
VIP Member

Kaya mo yan mommy. Mas mabuti nga ung first time mo ksi d mo pa.naeexperience talagang kusa kang magtatapang. Ganon ako sa una kong anak 19 lg ako nun. Ung mga kasabayan ko naiyak samantalang ako nasa higaan lg. Pa himas2 ng tyan balakang ang pwet habang nasakit ung tyan ko. Hndi naman ako naiyak. Kaya mo yan mommy wag mgpapa nerbyos at magdasal.

Magbasa pa
5y ago

🙏🙏🙏

VIP Member

Hi mommy to be.Huwag kang matakot isipin mo lalabas na si baby na healthy at okey kayong 2.mag pray ka palagi.Kayang-kaya mo yan.Ako noon kinakabahan din nasa isip ko ah sobrang excited na ako,kaya ko ito.Tas lagi mo kausapin si baby na mag tulungan kayong 2 para mabilis lumabas si baby.

Wag ka matakot momsh. Ganyan din ako, halos sumuko na ko sa labor mababa pain tolerance ko pero si baby lang iniisip ko kahit sobrang sakit na pero mababa pa cm ko. Pag lumabas sya sobrang worth it lahat ng hirap na pagdadaanan mo. Pray ka lang lagi. God bless and good luck! 🤗

VIP Member

Lakas ng loob ang kailangan Jan sis.. Kayang Kaya MO Yan... Huwag kang paghinaan ng loob.. Isipin MO si baby mo ,Isipin mong excited monang makita sya.. Kaya imbes takot ang Isipin mo i-excited mo nalang Yan...pagsubok talaga Yan sa ating mga mOmshies...

Wag ka nerbyosin po. Presence of mind ang kailangan pag nag labor ka na. Walang ibang tutulong sayo pag nag start kana mag labor, sarili mo lang talaga. Lakasan mo loob ko.

Relax ka Lang mommy.isipin mo lahat NG nanay pinagdaanan yan.kung Kaya nila mas Kaya mo for ur baby sake.sarap ng feeling pag nkita mo na c baby mo.

VIP Member

Hehe wag ka po matakot lahat po tau dumaan dyan kausapin mo at himasin mo c baby na wag ka pahirapan para safe kaung dlawa 👍🏻😊

VIP Member

Hays mamsh kumalma kalang. Pag ninerbyos ka mas lalo kang mhihirapan s pag lelabor mo nyan. Bsta dasal lang po