Nakakadepress na :(

Yung MIL ko, parang inaagaw sakin yung baby ko na mag 2 months pa lang. Pag umiiyak si baby tapos buhat ng lola, laging binubulungan ng lola na "inaway ka ng mommy mo?" "ayaw mo sa mommy mo?". Syempre kahit baby pa siya nakakaparanoid. Feeling ko tuloy iniimprint nila masyado sarili nila sa baby ko. Dati pag nagigising siya sa gabi at di makatulog, nagttiyaga papa niya para makatulog ulit. Ngayon sinanay na niya na ibibigay sa lola. Hindi na tuloy tumatahan si baby pag ako yung may buhat :( Marinig lang ng lola na umiiyak si baby pag ako may karga, kinukuha agad. Pati yung lolo sinasabihan na ko na di ko raw mapatahan si baby. Nakikitira lang ako sa kanila so hindi ako makapagsabi. Umiiyak na lang ako magisa. Pati papa ni baby sinasabi na dinidibdib ko na lang daw lahat. Wala na ako mapagsabihan. :(

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Magbukod, yun lang solusyon.