any weird cravings?

yung matatapos mo na lang first trimester na wala kang symptoms like morning sickness. ni walang effect sayo ginigisang bawang, amoy ng ref pati amoy ng bagong sinaing gaya ng ibang preggy. sobrang bait lang siguro ng anak ko haha. buyag. baka mabati. thank you Lord. pati sa pagkain di ko din pinahirapan asawa ko sa paghahanap. di din ako nahilig sa manggang maasim. palabok lang siguro hanap ko nung unang weeks. (pinaka-kakaiba na siguro yung gusto ko ng suman na moron na gawa ng nanay ng friend ko kaso deads na mudra nya. aguy. RIP.)

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa akin din po, pwera bati. sabi ng mister ko ang bait ko daw magbuntis. pero nahalata ko lang saken, pag nasasabi yung mga foods na de lata duon lang ako parang sukang suka. pero nung unang mga weeks, mangga talaga hanap ko pero parang ok lang din saken na di makaen. di talaga crave na crave. meron lang saken na part na parang di madighay ayun lang problema ko

Magbasa pa
2y ago

ganun po pala yun, thanks po sa info ☺️