Pasagot naman po.

Yung LO ko po kasi 9 months old may lagnat. Nagstart lagnat niya nung July 26 hanggang ngayon. Pang 3 days na po. 37.7 - 39.3 yung lagnat niya. Wala naman po siyang ubo or sipon. Pero basa po dumi niya. 2 weeks na ganun na basa pero once lang naman siya dumudumi sa isang araw. Sabi nila dahil daw sa ngipin yon dahil nagngingipin daw. Normal po ba yon na lagnatin tsaka basa yung dumi? Tapos dati breastfeeding po ako, nag stop lang ako last last week dahil may work. You think po dahil din kaya sa gatas na formula kaya basa dumi niya? Paranoid na po ako. Worried. Pinahilot ko din kahapon, may pilay daw tsaka lamig si baby. Ano po kaya pwede gawin? My same case ba dito sakin po? Mamaya po, papacheck up ko na sa pedia. #1stimemom #firstbaby #respectForMyquestion #pleasehelp #advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Possible po na kaya basag ang dumi dahil sa pagchange ng milk. Pero yung lagnat even po nag iipin di po aabot ng 39. Tama pong maipacheck up nyo si baby mommy. Palaboratory nyo na din po ang dugo, ihi at dumi para po makita din ng pedia anong best na gamot.