7 Replies
Pwedeng main factor jan ay yung hormones mo mommy. Pero mommy, alam kong kayang kaya yan kontrolin. Wag din po kasi nating, idahilan yung pagbubuntis natin. Aminin man natin o hindi. Gawain ko din kasi yun dati. Hehehe kaya mommy kung Kunwari, maiinis kana or inis kana, pakalma ka muna sis, palamig ka muna. Kasi kung nasa peak ka ng emotions mo talagang kahit ano masasabi mo, and you cannot take them back na, once you said it. If you feel na you are relax na, dun mo ivoice out. Kahit gano kapasensyoso ng mga mister natin, once you’ve reached their limit, talagang sasabog yan at baka pagawayan niyo pa ng matindi.
You cant control what you feel, pero yung actions mo towards it or yung sasabihin mo pwede mo kontrolin. Now na alam mo na na nakakasakit ka o nagiging issue sa inyo ito ng husband mo, kailangan mo ng mag-adjust. Hindi mo basta isisisi sa hormones lang yan, kailangan mo na mag-isip o kumalma kung sa tingin mo e may masasabi o magagawa kang hindi maganda. Pray, communicate with your husband, apologize, forgive, move on.
Kailangan ni daddy long patience dyan sis. Hahahah ako din. Grabe magsalita ng kung ano ano sa husband ko, pero di naman kami away bati. Sya lagi unang nag aapproach. Naiintindihan nya naman kasi yun. Siguro kausapin mo lang, sorry ka. Tapos explain mo bakit ka ganyan. Baka maintindihan nya 🙂
Ako din ganyan kay hubby ko.. Buti na lang at sobrang haba ng pasensya nya sa akin.. Konting galaw nga lng nya na ndi ko magustuhan inaaway ko tlga at sobrang inis ko.. Isama mo palagi si hubby tuwing check up mo para lalo sya maging aware
Siguro po dahil talaga sa hormones yan. Kami din ng asawa ko ganyan, simpleng bagay lang inaaway ko na sya. Pero ask your hubby to have more patience at intindihin ka lalo na po ngayon buntis ka 😊
I feel you mommy, pero okay lng yan, ipaintindi mo nlng po sa partner nyo kasi meron po tlgang hormonal imbalance kapag preggy kaya minsan moody tayo
Pwedeng mawala, pwedeng hindi. Nakakaapekto talaga ang pagbubuntis sa hormones. Try mo i-ask OB mo bakit ganun.