1 Replies

Sorry to hear this, mommy. :( Nangyari din sa akin yan, 6 weeks nagka miscarriage ako. Dinugo lang ako na parang may menstruation, mga ilang weeks din. Inadvisan ako ng OB na magpa-raspa, pero hindi ako nagpa-raspa kasi very invasive ito, at sobrang mahal ng singil niya. Inobserve ko rin kung duduguin ako ng marami, pero hindi naman. Wala din akong ininom na gamot. Nagbabasa-basa lang din ako. Nakakatulong daw pagkain ng mapapait. After nung phase na dinudugo ako, nagpa-ultrasound na ako ulit sa ibang OB at nakita naman na nagclean out naturally yung uterus ko, so hindi ko na kinailangang magpa-raspa. Ang sabi din ng bagong OB na ito, mabuti na lang daw at hindi ako nagpa-raspa, kasi una pa lang at invasive nga ito. Ang risk kasi nang hindi pagpaparaspa ay excessive bleeding at infection. Kaya kapag napansin mo na parang grabe ang dugo na lumalabas sayo at kung nilalagnat ka or iba pang nararamdaman, best pa rin na magpaconsult sa OB for proper guidance. Gabi-gabi rin po ako umiiyak, nalungkot talaga kami ng partner ko. Ang advice ko lang po sa inyo, bigyan niyo ang sarili niyo ng time na magmourn talaga. Unti-unti mababawasan din yung sakit. Isipin niyo rin na may little angel na kayo. 😇 Yakap po mumshie. Pakatatag kayo.

sige po maraming salamat mamsh ❤😊

Trending na Tanong

Related Articles