Me As A Single Mom

Yes Im proud to say Im a single mom. My daugther is already 7months.  Alam kong ito yung magiging status ko simula nung nalaman kong pregnant ako. Dahil hindi agad ako sinoportahan ng lalaking akala kong magiging sandalan ko. Pandemic. 5months na akong pregnant saka palang nya ako nasamahan magpacheck up. I was so happy that time. Not knowing na yun na din pala ang last na sasamahan nya ako. Buong pagbubuntis ko aminado ako, Though hindi ako maselan magbuntis nahihirapan ako. Why?  Dahil wala sya sa tabi ko. And mas malala nyan nalaman kong may gf sya. Naniwala ako sa kanya na he's single that's why I entertained him. Naniwala ako sa mga sinasabi nya. Sweet words, sweet gestures etc. Ako pa ang lumabas na masama sa paningin ng girlfriend nya na masakit for me, dahil Im just a victim of her boyfriend plus pregnant ako. Minura, minaliit, say it lahat ng masakit na salita natanggap ko galing sa girlfriend nya  dumating pa sa point na i was about to give up my pregnancy and my life, sa sobrang stress na nangyari sakin habang buntis ako. But then thanks to my parents who's always at my side and my baby, hanggang sa nanganak ako sila ang karamay ko.  Mas pinili nya ang girlfriend nya kaysa samin ni baby, tinaboy nya din kami ni baby, nawalan ng communication, sinabing hindi sya ang ama. Nanganak ako Nov. 4,2020 healthy baby girl. After a month pinabinyagan kona si baby kasabay ng pinsan nya. Syempre walang daddy si baby. Sa simbahan seeing other babies with their mommy and daddy makes me cry. How I wish na andun din ang daddy ni baby sa binyag nya. That day ang daming nagtatanung asan si daddy mas pinipili ko nalang manahimik kaysa sumagot. Dumating ang 1st Christmas, 1st new year ni baby and still wala parin si daddy.. Mid January when he decided to talk to me again, asking for a chance, sino ba nman ako para hindi magpatawad tao lang din naman ako. I asked him a question, if sila parin ng gf nya and he answered NO, HINDI NA, WALA NA  ilang beses ko sya tinanung same answer ang nakukuha ko. Binigyan ko sya ng chance feb 4, 3months  na ang baby girl ko dumating sya. FINALLY NAGKITA NA SILA., kita mo yung sabik nila sa isat isa. Dumaan ilang araw masaya kami as a family almost 3months din ang nagdaan na magkakasama kami. Mga promises na binitawan nya samin ng anak ko, mga pangarap namin for our baby, mga plano, vacation, mga pag aalaga nya samin. Then isang araw dumating yung time na need ko sya ipagdamot na talaga dahil nasanay na kami ng anak ko na andyan sya, ayaw kong mawala yung ngiti sa mukha ng anak ko. Nalaman kong sila parin ng gf nya, all those time na kasama namin sya, sila parin pala. Pinaniwala nya ako at ang fam ko lalong lalo na ang anak ko.. Hanggang sa nag kaalaman na, as usual nagchat na naman si gf minura na naman ako, magpabuntis pa daw ako etc na kung anu anung masasakit na salita. This time immune nako wala nkong paki alam. Hanggang sa ako na ang sumuko. Ipinaubaya kona sya sa gf nya kung alam kong dun sya sasaya. Oo masakit sobrang sakit. Mahal ko ih kaso ako lang ang lumalaban, dahil pinili parin nya gf nya, tinaboy na naman at kung anu anung sakit naramdaman ko, dahil parang inulit lang namin ang nangyari. Para akong pinapatay paulit ulit. Makikita mo yung anak mong nakatingin lang sa pinsan nyang masaya kasama ang mama at papa nya ang sakit sa dibdib. Wala akong magawa dahil ayaw ko ng set up n gusto ng papa nya. Alam kong bandang huli ang anak ko ang masasaktan. Nasanay kming mag ina n wala sya. Isang araw bigla nalang pumunta papa nya sa bahay ng walang pasabi, nadatnan nya kaming tulog ng anak nya  pag kita ko sa kanya sabay gising ni baby at ngiti sa kanya dun na umiyak ang papa nya. Aminado akong masakit sa loob ko makita syang umiiyak pero kailangan kong magpakatatag dahil alam ko ang limit ko. Kinausap sya ng parents ko about sa nangyari but then hindi nya parin kami pinaglaban. Dun na sumagi sa isip kong tamana. Ok na yung chance na ibinigay ko. Alam kong masakit para sa anak ko but I know 1 day maiintindihan nyang para din sa kanya ang ginagawa ko. Nasanay akong simula nung nanganak ako, ako na ang nag asikaso sa anak ko, ako na ang nagpupuyat at literal na hands on ako sa kanya. Kailangan kong magpakatatag para kay baby. Saludo ako sa mga single mom na kahit anung sakit na, nagagawa nilang itago yung pain na nararamdaman nila deep inside para sa anak nila. Ngayon eto kami ni baby nag aadjust parin masakit mahirap pero kakayanin. Di biro yung tipong everyday ikaw gigising ng maaga magluluto ng food ni baby., breastfeed, magpapaligo, magpapatulog, magpapatahan,maglalaba ng damit, mamalancha, iisipin kung san kukuha ng pambili ng diaper ni baby kasi naapektuhan ang work mo ng pandemic. But see here I am still smiling and fighting everyday for my baby. I will do everything for her. She's my life now and I'm happy and blessed having her in my life. This time its me and my daugther nalang.

2 Replies

okay Lang Yan mommy kaya mo Yan mag pakatatag ka para Kay baby someday may dadating na tatanggapin ka at mas mamahalin Ang anak mo sa ngayun I enjoy mo muna na kayo lang ni baby ❣️ single mom din ako before kasal kami Ng tatay Ng una Kong anak at totoo na Kung MALAS ka sa una suswertihin kana sa pangalawa Sana kagaya ko ganun ka din sa susunod na mag mamahal ka ulit ay swertihin ka na 🙏

Sana nga mommy swertihin din ako tulad mo po.. ❤️❤️

stay strong 💟💟💟💟

Trending na Tanong