5.3 kgs baby

Yep, she was born weighing 5.3 kgs. Scheduled cs po ako kaya ang daming nagsasabi na sinadyang palakihin si baby sa tiyan ko which is not true. I have diabetes and to be honest mahirap na macontrol blood sugar ko, and that caused her to be that big. Sa sobrang laki niya, need niya lagyan ng oxygen kasi hirap siya huminga. Nasanay din siya sa mataas na blood sugar ko nung nasa tiyan pa siya kaya the moment na pinaghiwalay kamk, biglang bagsak sugar niya. But thanks God she's all good now. She's turning 6 months tomorrow and we can't wait to give her first food ❤️ Sino po diyan may malalaki rin na baby? Lemme hear your stories

5.3 kgs baby
25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Diabetic din ako but 3.33kg lang naman si baby nung lumabas at thank god nsd kami.. bagsak din sugar niya pagkapanganak ko so kelangan pa iobserve for a day kung magiging ok at buti na lang umokay naman, nakauwi kami a day after delivery..

6y ago

Same po tayo, mga 1 week ko lang ata nabigyan ng breastmilk si baby kasi di siya inallow mag breastfeed dahil may nakasaksak na oxygen. Okay lang yan mommy, breastfeeding or not, ang importante healthy si baby. Pero sana naman wag nila mamana.