Nadulas, mabibingot ba?
Worried po aq, nadulas po kc aq ngaun Mkakaapekto po Ba ky baby o magkaka bingot po Ba si baby? 37 & 6days na pk aq. 😢ðŸ˜#1stimemom
ako po nung 4months palang tummy ko po nautog po puson ko sa labado dahil nahulog po ako sa maliit na upoan .tapos po nanigas po tummy ko ..nattakot po ako ngaung 6months na po paoltrasound po ako sa monday hindi po maalis sa isip ko po yung nangyari kasi po bka naapektilohan po sya sa loob 😢pero sabi naman ng papa ko manghihilot hindi naman daw un kasi maliit pnaman daw ...
Magbasa paang alam ko po, nag ba bounce lang si baby pag nadulas kasi nasa sac siya. mas delikado raw po yung natamaan directly yung tiyan mo po. pwde ito mag cause ng injury kay baby. better go back to your ob, baka may abruption ng placenta or bleeding inside. nadulas rin po ako last week lang at 16 weeks. ngayon may injury ako sa tuhod, hirap mag lakad, at hirap umupo.
Magbasa panadulas din ako nung 22 weeks palang si baby, sabi naman saken sa lying in Wala naman daw po problema basta hindi dinugo or may tubig na lumabas. nag worried din ako nun Kasi nagbounce talaga tummy ko. hindi din daw po totoo na nagiging cause ng bingot. nagpa congenital scan and 4D utz ako away ng dyos Wala abnormalities.
Magbasa paHindi po, sa early development po nabubuo ang pagkabingot kasi di nagclose ung sa palate nya.. di po yan sa pagkadulas... pero kung malakas po pagkakabagsak nyo better visit OB para sure na ok lang si baby kasi baka may ibang maidulot yung pagkadulas nyo.
Hindi Naman po siguro . Ang alam ko nasa jeans po ang ganun tsaka naka lutang po si baby sa loob Ng tyan . tsaka 3 beses din po ako nadulas sa Isa Kong baby Wala Naman po naging epekto .
Better be checked by your OB to be sure na walang effect yung pagkakadulas mo. With regards sa bingot, pag may hindi nadevelop sa cells ng palate ni baby yun nakukuha.
hindi po kasi develope na si baby.ang nag cacause po ng bingot pag di naka inom mga prenatal vitamins especially folic acid tsaka sa genes din daw.
Hindi po. Buo na si baby mommy hindi na sya maaapektuhan kahit nadulas ka pa po pero be careful sa susunod.
hndi po, ang bingot ay pwedeng mana or dahil kulang sa folic nung early development nya
Hindi po.. Ang possible mangyari nyan e mapaanak ka o mainjury ka. Kaya ingat mommy doble ingat pag buntis