Motherhood Story#1
When I got pregnant by the age of 22, sabi nila bata pa ako, maaga pa daw, at nagmadali daw ako. Naalala ko noon, galit na galit sa akin ang mama ko nun sinabi kong hindi pa ako dinadatnan. Alam ko na buntis na ako that time at alam ko rin na nararamdaman rin nya. Nagulat ako sa reaksyon nya. Yes, I already expect na magagalit sya, sasabihan nya ako ng masasakit na salita, at dahil may bata na sa sinapupunan ko, akala ko tatanggapin nya ako. But I was wrong. Naaalala ko yung mga eksaktong sinabi nya sa akin noon "Bakit ka nagpabuntis? Paano kung hindi ka panagutan ng lalake na yan?" "Ano bang ginawa mo sa buhay mo, sinira mo buhay mo" at pinaka masakit na narinig ko ay yung "Alam na ba ng lalake nayan? Wag mong sasabihin, paiinumin kita ng gamot, di magtutuloy yan" Masakit marining mula sa sarili kong ina na gusto nyang ilaglag ko ang bata. Sabi nya pa, "10 days palang yan, dugo palang yan mawawala pa yan" "Ito na second chance mo, binibigyan kita ng isa pang pagkakataon ayusin ang buhay mo" Tumatak sa utak ko ang mga salitang binitiwan nya, tuliro na ako noon, at desperate na maghanap ng paraan para hindi matuloy ang balak nya. Pumayag ako, pero excuse ko lang yon, dahil habang nag uusap kami nag iisip na rin ako ng paraan para maprotektahan ang baby ko. Sinabi ko sa kanya na papasok na ako sa trabaho at malelate na ako kung aantayin ko pa sya, at pag uwi ko nalang iinumin. Pumayag sya, inayos ko din ang sarili ko at pinaniwala ko sya na gusto ko rin na ilaglag ang bata. Habang wala sya sa bahay, sinamantala ko na ang pagkakataon. Nag prepare na ako para pumasok sa trabaho, the usual, maliit na bag lang ang dala ko, nagbitbit lang ako ng isang underwear, at pagkatapos nun, umalis na ako ng bahay. Sinadya kong hindi magdala ng gamit para hindi sya makahalata at antayin nya ako na makauwi. HINDI NA AKO UUWI. Yan ang nasa isip ko noon, kinausap ko na rin ang boyfriend ko, sinabi ko sa kanya yung plano ni Mama sa amin, at hindi sya pumayag. Hindi pa alam sa side nya na buntis na ako, hindi rin namin alam kung saan ako tutuloy kung hindi na ako uuwi. Pero dahil desidido ako na ituloy ang pagbubuntis ko, minessage ko ang isang kaibigan ko na kung pwede sa kanila muna ako tumuloy. Sinabi ko yung plano ni mama, kaya pumayag sya na patuluyin ako sa kanila. Pagdating ko sa bahay nila, tumatawag na sa akin si Mama, nagtetext, nagcchat. Nasaan na daw ba ako nasa kanya na raw ang mga gamot, nakahanda na. Sinabi nya pa na ang tanga ako at masama akong anak dahil hindi ako nakinig sa kanya. Sinabi nya pa "Kung nakinig ka ang sa akin, kung hindi ka na uuwi dito, kalimutan mo na may nanay ka pa" Umiyak nalang ako. Tanong ko sa sarili ko nun " Bakit ganon?, Yung taong akala ko makakaintindi sa akin, ganito pa ang sinasabi" Nung nga panahon na yon pinili ko ang anak ko kesa sa nanay ko. At alam kong tama ang naging desisyon ko. Ilang buwan akong hindi umuwi, nakablock ako sa facebook ni Mama, text ko, hindi rin nirereplyan, masakit sakin na parang hindi nya manlang ako iniisip, o kamustahin pero tiniis ko. Sabi ko nun, uuwi lang ako at haharap sa kanya kapag handa na ako dahil ayoko isakripisyo ang baby ko. Pero pagkalipas ng dalawang linggo, pagkatapos aminin ng boyfriend ko sa pamilya nya na buntis ako, pinilit nila akong humarap kay Mama, hihingi daw sila ng pasensya at makikipag kasundo. Pero matigas si mama, sinabi nya na wala na syang paki sa akin, dahil hindi ako nagparamdam sa kanya ng ilang linggo, hindi ko na daw sya kilala kaya bakit pa kailangan ng approval nya. Parang inalis na nya ang karapatan nya sa akin, para bang sinasabi nya na hindi mo na ako nanay. ..........