PPD ???

What do you think of my situation ? I never expect na magiging ganito experience ko sa buhay motherhood .. I'm having a hard time of myself, pakiramdam ko wala akong alam sa pagiging ina which is pinaparamdam sakin ng mga taong nakapaligid sakin. Most especially family ng partner ko. I'm a first time mum and as a first time inexpect ko na makakaya ko .. kaya ko naman talaga mag alaga ng anak ko kung di Lang nila masyadong natatapakan yung kakayahan ko. -Yung mother niya, feel niya anak niya anak ko sya nagpapaligo, nagdedecide sa susuotin, nagdedesisyon sa feeding (gusto ko talaga mag EBF), magdesisyon sa lahat pagdating sa anak ko. Pakiramdam ko questionable lahat ng opinyon ko even ang pangalan na binigay ko. Keso ang haba daw baka daw hindi makaya ng bata mahirapan daw paglaki. Basta kung lalahatin SIYA na talaga. Hindi naman kasi ako mapLokang tao kaya go with the flow nalang para walang issue. But deep inside masakit kasi gusto ko magpaka ina sa anak ko . - Yung partner ko na walang ibang ginawa sa buong araw kundi sa bisyo niya manok, sabong, inom, gala, chika sa mga kabarkada. ayaw na ayaw mag alaga ng anak yung walang pang 10 mins ibibigay na sayo. Tapos naiinis na umiiyak yung bata, hindi bukal sa loob na gisingin sya sa umaga para magtimpla ng gatas, walang kusa na alagaan man lang ang anak o makipalitan paghele sa gitna ng gabi. - mga kapitbahay na tinuturuan ka sa lahat ng bagay na hindi mo alam kung ano at sino ang susundin mo. Kung sino sino ang kumakarga na kahit gusto mong sabihin na ayaw mo hindi ka makahindi kasi mismong ang mama ng partner mo pa ang nagpupush na ipakarga sa iba kahit sa mga bata. Seek for comfort and advise :'(

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Haha kung Ako NASA situation mo uwi muna kmi ng anak ko samin. Wla akong paki khit magalit MIL ko Kung gnayan nya ko itrato.. hehe naiintindhan kita.. pero mas ok Kung stand your ground then pakita mo n your incharge. At mas ok Kung bumukod kayo.. Kung d p Kaya ng asawa mo umuwi k sa inyo para wla gulo yaan mo siyang gumawa ng paraan n ibukod kayo..

Magbasa pa
5y ago

Naisip ko na rin po yan kaso iniisip ko anak ko ayoko kasi lumaki syang magulo ang pamilya ganun kasi ang buhay ko. Kaya tiis lang ng tiis kaso natatakot ako sa psychological effect niya sakin. Tinatry ko rin na ifight ang right ko on my own way na hindi ako makabastos at makasakit sa kanila kaso parang ang hirap ea . Masakit na minsan sa ulo at dibdib kakaisip.