2 Replies

VIP Member

Kung full time mom ka make a schedule ibabase mo sa pag gising niya ang lahat ng kailangang gawin, make a routine para masanay siya na sa gantong oras ganon ang gagawin. Bilangin kung ilang oras bago siya dumede. Pag tulog tyaka dun muna gawin lahat. Kung may rocker ka pwede mo siya dun ihiga pag tahimik pwede kang gumawa ng mga gawain sa bahay. Ako naglalaba ako pag tulog niya sa umaga para pag gising niya tapos na ko. Actually naffeel ko lang talaga yung pagod pag sobrang antok nako tas siya di pa natutulog pero naovercome ko naman yon kasi kada araw nalalaman ko kung anong dapat gawin para patulugin siya. Ang ginagawa ko pag alam ko ng inaantok siya nagtutulog tulugan ako tas hahayaan siyang maglaro laro then maya maya makakatulog na siya. Yes lalo na pag gamay mo na yung routine niyong dalawa. Kailangan mo lang kabisaduhin btw 7mos na si lo pero ganyan lagi kong ginagawa. Pag umiiyak na siya sa rocker niya, dun ko lang siya bubuhatin. Di siya nasanay sa buhat kasi pag pinapatulog ko siya tinatap ko lang yung gilid ng pwet niya tas nag hhum ako. Minsan pag di pa gabi nirrocker ko siya maya maya tulog na. No, sobrang saya ko. Lalo na't yung mga ginagawa ko eh para kay baby nawawala naman pagod ko pag nakikita ko siya😊 mapapakiss nalang ako o mapapahinto sa ginagawa pag nalingat ako sa kanya. Noooo! Kahit na 19 yrs old palang ako hindi ko pinagsisisihan parang ang goal ko nalang sa buhay eh mapalaki ko siya ng maayos at magawa ko lahat ng pag aalaga sa kanya. Straggle, gaya ng sabi ko sa pagtulog lang minsan pero okay naman na. Siguro sa pera oo lalo nat wala akong trabaho asa lang sa mga magulang namin ni bf kasi minsan nawawalan kami ng budget para sa gatas niya. Kaya minsan napapautang kami pero nakagawa naman na ko ng listahan ng mga dapat bilhin next month kung ilang box ng gatas nauubos, kung ilang buwan nagagamit yung pang ligo niya(sabon), mga ganon😊

VIP Member

Lots of patience To not doing what you have to do I only move when my baby is sleeping soundly and sleeping for hours and hours.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles