Lip admitted na may gusto sya sa workmate

What now? 4years na kami ni lip and meron 1 daughter. Ever since never ko nafeel na enough na ako sa kanya kasi laging iba approach nya sa mga nakakawork nya na babae. Yun bang biro sa kanya pero d nya naiisip ung mararamdaman ko, hindi nya rin nilalagay ung sarili nya sa ganong sitwasyon. So ngayon kinausap nya ako, inumpisahan nya na hindi nya kami pababayaan ng anak ko kahit ano mangyare. And then he admitted na may gusto sya sa current workmate na lagi nya kachat, pero eto kasi lagi silang updated sa isat isa and nag good morning at good night sya which is syempre sinabi ko rin sa kanya na hindi ako komportable pero wala. Napaka insensitive kung baga. ayun, kinausap din nya ko na wag magpost sa socmed, wag ichat yung girl at sabihin pa sa magulang nya yung about kay girl. Sa totoo lang parang ayoko na rin dahil ilang years na ko stress at problematic sa ganitong attitude nya. Ayaw nyang umalis kami sa bahay nila at sya nlng daw ang mangungupahan pero aprang hindi tama na magstay kami dito kasi feeling ko para hindi sya pagdudahan haha.. yung girl pala may 8yrs bf at parang yun yung nagpapagulo sa kanya dahil d nya na rin naman mapormahan totally si girl. Iniisip ko po kung magsstay pa ba ko para sa anak namin pero baka paulit ulit pa rin naman nya gagawin tong mga ganito. Parang gusto nya magstay ako kahit may ganto syang scenarios. Just need some advice po.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

iwan mo na . hindi siya worth it para magpaka martyr ka. biruin mo sa loob ng 4years kayo nagsasama may anak pa kayo di ba nya naisip na magpakasal kayo? pero ha wag mo na dagdagan pagiging martyr lalo na alam mo ganyan si LIP.. pag type magpakasal wag ka na pumayag.! iwan mo na yan.. atleast pag hiniwalayan mo di kayo kasal.. di mo kelangan ng lalaking walang paninindigan at dagdag stress pa sa buhay mo..

Magbasa pa