Napaanak sa Bahay
Welcome to the world Chanel Kaia L. Lasquite Dob: October 8 2020 Edd: October 23 2020 AOG: 38weeks Via Normal Delivery Share ko lang story ko about sa panganganak ko sa first baby ko😁 October 7 9pm ng makaramdam ako ng pananakit ng balakang at parang natatae na hindi. Carry ko nman ang sakit kasi di nman grabe and nakatulog pa ko ng mahimbing. hndi ko naisip na bka nagle-labor na ako kasi malayo pa due date ko. Nagising ako ng 3:40 am kasi nag alarm ako para magluto ng baon ng hubby ko za work pagkagising ko diretso ako sa banyo kasi prang natatae ako pagtingin ko sa Panty ko may kunting dugo akong nakita dali dali ko ginising hubby ko sinabi ko na manganganak na ko ayon nataranta😂 palakas na din ng palakas ang dugo ko maliligo pa sana ako pero di ko na tinapos kasi sa banyo plng iring iri na ako nagpunas agad ako then lumabas pagkabihis ko di ko na tlaga kaya pagtayo ko sa may pintuan sobrang sakit na iring iri na talaga ako parang ang sarap sarap na umiri so ayon di ko na napigilan bigla ako napairi pumutok na din panubigan ko diretso higa na ako sa sahig bubuhatin pa sana ako ng hubby ko at bayaw ko sa sasakyan di na ako nagpabuhat kasi ramdam ko na lalabas na sya. so ayon ilang push lng lumabas na sya bali asawa ko nagpaanak sakin at mga kasama ko sa bahay. Schedule ko sana kinabukasan sa Ultrasound to check kung nakapwesto na si baby and buti nlng nakapwesto na sya❤😇 dinala nlng ako sa lying in pagkalabas ni baby at placenta hindi nya ko pinahirapan❤ sa mga mommies na malapit na manganak wag kayo masyado kabahan pray lng kay god. exercise kayo every morning at sa hapon. walking and squat ginawa ko sinasabayan ko din ng pag inom at kain ng pinya at pineapple juice. Godbless you po mga mommies!❤😇
Dreaming of becoming a parent