One week ng hindi tumatae si baby 2months old na siya, pero umuutot naman siya at malambot ang tiyan

One week ng hindi tumatae si baby 2months old na siya, pero umuutot naman siya. Normal lang po b yun? O need ko na mag worry at ipacheck up.siya. at ano kaya pwede gawin para mapoopoo na siya

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

if Exclusive Breastfeeding si baby may times na nag skip po ng Pag dumi at minsan umaabot talaga ng 1week or more as long as walang discomfort, hindi irritable at hindi matigas ang tyan ni baby at dapat normal lang na nawiwi din si baby.. EBF din si baby ko at nung ganyan bwan din siya may times na umaabot din ng 1week Pero gusto ng Pedia ng baby ko aware siya kung umaabot ng Isang linggo no poop si baby ko.. for your baby's safety na din kung EBF siya inotify mo na din si Pedia na no poop si baby mo mi.. mag ILY massage ka din at Bicycle exercise kay baby.. if Formula feeding po hindi dapat umaabot ng Isang linggo na walang poop at dapat na po ipacheckup sa Pedia Asap pag ganon..

Magbasa pa
1y ago

lumalaki na din kasi si baby mo mi yung dati Newborn siya na madalas ang poop ngayon may times na nag skip na mag poop . sa EBF kasi pag ganyan si baby means naabsorb niya lahat ng nutrients galing sa Breastmilk mo walang waste. basta healthy and happy si baby malambot ang tyan niya may urine output... at mag ILY massage ka pa rin at Bicycle exercise