Biyenan

Just want to share my story mga momsh. Simula noong nakilala ko ang asawa ko. Kailanman hindi kami nagkapalagayan ng loob ng mother nya. Datirati Hindi ko alam kung bakit ayaw sa akin sa mom nya hanggang sa nalaman ko kung ano yung reason . May gusto pala na babae ang mom nya para sa kanya which is yung kababata nya. Yes I admit it ! Maganda si Marga , Mabait naman sya . Magalang and ang maguoang nya close din ng magulang ng asawa ko which is si jerome . Si jerome ay napakabait na asawa , masipag . Matiyaga , madami kaming napagkakasunduan na bagay . Magaling din sya sa decision making especially kapag financial kasi magaling sya humawak ng pera . Sa ngayon ilang taon na kami ng asawa ko and nabuntis nya ako. Sa ngayon 8 months na tiyan ko. Hindi padin sya nagbabago ng pakikitungo sa akin. Nararansan ko sa kanya nag p pm sya sa messenger ko kung ano ano mga sinasabi nya tungkol sa akin. Naranasan ko na din s akanya na paringgan ng paringgan . Yung lola nya ganon din ka gaspang ang ugali sa akin . Yung isang lolo at lola nya kasundong kasundo ko kasi tuwa nga sila sa akin. Lagi nila sinasabi sa akin masipag ako , matalino , matiyaga , masinop sa gamit , malinis sa katawan . Kaya hindi daw nila alam kung ano pa kinaaayaw sa akin ng biyenan ko. Dito pa kasi kami nakatigil sa bahay ng magulang nya. Everytime kasi na magpa plano na kami bumukod may nangyayari dito sa bahay nila . Its either may nagkakasakit or may gagawing business . Kaya hindi kami matuloy tuloy ng pag lipat . Sa tatlong magkakapatid . Ang asawa ko ang pang gitna . Bunsong lalaki siya kaya siya naaasahan sa pag mamanage ng business nila sa palengke , ginto , processed foods, refilling station and also travel agency . Siya lagi nakakatulong ng mommy nya sa pag tatrabaho . Noong nakilala ko ang asawa hindi ko alam na ganitong buhay pala meron sila . Naging magka sintahan kami for more than three months ng hindi ko nalalaman na marangya pala ang buhay nila . Ilang barangay lang naman ang pagitan ng aming bahay pero hindi ako napunta sa kanila dati kasi hindi ako sanay na ipinapakilala sa magulang . And everytime din na pipiliin na namin pumunta sa bahay nila na popostponed naman . Alam ng magulang nya kung anong buhay lang meron kami. Simpleng tao kumakain ng tatlo hanggang limang beses sa isang araw . Tatlo kaming magkakapatid . Bunso ako . Nag aaral padin hanggang nagyon bilang guro pero graduating na ako ngayon. Ang kapatid kong lalaki nagpipictura ng bahay . Kapatid kong panganay nag aaral din . Sabay kami ga graduate . Solo parent na nanay ko kasi sinalvage tatay ko nung bata pa ako. Domestic helper ang Nanay ko sa Saudi . Minsan iniisip ko kaya siguro hindi ako matanggap tanggap ng biyenan ko kasi hindi kami ka level ng buhay nya . Sa totoo lang , sa dami ng taong nakasalamuha ko . Magulang nya ang pinakamagaspang ang ugali na aking nakilala . Kahit sariling kamag anak pinagdadamutan nila . Grabe din sya tumapak ng pagkatao ng ibang tao. Ang mommy nya kapag may pera ka kilala ka nya . Mabait sya sayo. Pero kapag alam nya na aasa ka lang sa kanya . Masama ugali nya . Hindi ko alam kung saan nagmana ang asawa ko ng ugali kasi kung anong ugali ng magulang nya , siyang kabaligtaran ng ugali ng asawa ko . Lagi na lang sinasabi sa akin ng asawa ko . Kapag nakatapos kana . Aalis na tayo dito . Wala akong pale kung wala silang ibigay na yaman sa akin pero aalis na tayo . Kasi ayaw nya ng nahihirapan ako ng ganito . Sa pakikitungo ng magulang nya aa akin.. Laging humihingi ng pasensya ang aking asawa dahil magkaiba ugali ng aming magulang . Dahil ganong tao ang magulang nya . Lagi din sinasabi ng asawa ko , kung sino man ang gusto ng magualng nya para sa kanya , wala padin siyang ibang pipiliin kundi ako at ang anak namin . Just want to share my story . Nakakastress na po kasi . Pasensya na po kung medyo madrama buhay ko .

2 Replies

VIP Member

Ang mahalaga mommy is nagkakaiintindihan kayo ng mister mo. Malay mo si baby pala makakapagpalambot sa byenan mo.

Tiwala lang mommy. Wag mo muna istressin sarili mo sa byenan mo. Pagpray mo na lang din.

VIP Member

Laban lang mommy, kung kampi naman sayo si hubby wag lang masyado mag worry :)

Laban lang talaga mommy . ❤

Trending na Tanong