1st born child x new mom tips

Just want to give an advice for new mom like me. Hygiene Paliguan agad si baby once you got home from the hospital. Para po iwas na rin sa rashes. Every day yun dapat. And before po kayong humawak sa kanya or bubuhatin siya o kahit sino pa yqng hahawak sa baby dapat malinis ang kamay or nasanitise using alcohol kasi sobrang sensitive po talaga ng balat nila. Not just the hand dapat pati yung dami pa minsan kasi hindi natin napapansin pag galing sa work yung kapatid mo then bubuhatin niya yung damit syempre madumi yun kasi naexpose sa labas. Always keep your eye to the person who will hold your baby kasi kung magkasakit siya, kawawa naman si baby and tayo ding mommies ang mahihirapan. Breastfeeding When it comes to breastfeeding please tyagain niyo lang kasi ako nagsisi. 1 week after I gave birth, nag FM ako kasi sabi ng mother in law ko kasi si baby iyak ng iyak wala na siyang madede. Sobrang sakit na rin ng dede ko nun kaya kinabukasan binilhan na siya ng FM. Bat ako nagsisi? Kasi nasanay na siya sa feeding bottle kaya yung pag latch niya sakin ay parang sa feeding bottle siya. And naisip ko kung hindi siya ko siya pinadede ng FM. Malakas na sana gatas ko ngayon :( Kaya wag kayong magpapaapekto sa sinasabi g mga in laws niyo o kung sino man. Keep yourself hydrated para merong napproduce. 3-5 days after giving birth mahina pa yan. Kasi yung katawan natin matalino yan. Nag aadjust sila sa needs ng baby natin. Okay lang na mahina sa first week kasi kasing laki lang ng cherry kaya hindi nila needs na sobrang dami. Siguraduhin natin na tama yung pag latch niya para maempty yung breast natin, para masignal sa brain na mag produce na ng milk. I suggest want on youtube sa mga tips about breastfeeding, foods, latching techniques, also the position in breastfeeding magandang mapanood mo before pang lumabas si baby para ready na kayo. Treasure every moment with your baby Mabilis ang oras. Mabilis sila lumaki. So treasure every moment. I-sacrifice niyo muna yung gusto niyong gawin like mag facebook, manood ng k-drama or ano pa man. Enjoy every single day with your baby. Mas okay yung skin to skin contact kasi minsan yun yung nagpapakalma sa kanila. Yung warm ng isang nanay. Yun lang, I hope nakatulong. Marami pa sana kaso yan na lang muna ? God bless every mamsh who is always doing her best for their children. ❤ Mabuhay tayong lahat!

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thanks sa big tip lalo na sa BF. Hoping kc ako ngaun kay bunso (37weeks na) na sana maBF ko sya paglabas. FM kc agad c panganay kc mahina din gatas ko at d ko na nawork out para padamihin.

5y ago

Mamsh kahit po buntis ka pa lang mag masabaw ka na na pagkain yun kasi yung nalaman ko sa mga tinanungan ko bakit ang lakas ng gatas nila. And eto pa ask ka sa ob mo kung ano pwedeng inumin na pang pagatas kahit buntis pa lang. Meron nun. Yung isa kong napag tanungan over flowing talaga yung milk niya parang gripo hehe nakakainggit nga eh 😊 kaya yan mamsh. God bless to you and your baby. Praying for your safe delivery 🙏🙏

Thank you sa tips sis!

5y ago

Welcome sis. ❤ God bless to you 😊