Breastfeeding
Just want to ask, kahit ba 2 months na ang baby pwede pang lumakas ang gatas?

Kinopy ko lang po ito mamsh. Sana mainspire ka. ❤ Hi mga pretty mommies! just want to share my experience re relactation massage/consultation with Nanay Rich’s team ❤️ (medyo mahaba kasi detailed.. SORNA BESHYWAP!) last Wednesday, Feb. 28, nagpasched ako kay Nanay ng relactation massage kasi sobrang desperate na ko dahil konti nalang milk na napapump ko, ayaw na talaga maglatch saken, nipple confused na si baby at dumating na sa point na nakamixfeed na ang baby ko.. saklap nu? lagi ako naiiyak pag nagtitimpla ako ng gatas kasi dapat gatas ko ung iniinom niya hindi gatas ng hayop.. 💔 my lo is 4 months and a half.. ayun, nung andun na sila sa bahay, kinausap muna ako ni Nay Rich at inintroduce kung ano mga gagawin nila at anong gagawin ko after the session. so itapon na ang bote, do hand express, skin to skin, i-latch si baby pag tulog, etc. medyo mahirap sa una pero doable naman. after the talk, nag start na kami sa massage. si baby karga ni Nanay Rose, a.k.a. Suso ng Bayan, kasi pag nagutom daw, susubukan ipalatch sa kanya.. back to massage, SARAP SA FEELING. kahit saglit lang ung masahe, narelax katawan ko. sobrang dami ko daw clogged ducts gawa ng pumping. kaya tinunaw niya ung namumuo at talagang shower lahat ng gatas to the point na umabot na sa mirror wall namin. eh ang taas nun, siguro mga 3feet ung sirit nung gatas ko kabilaan pa yan tapos parang lahat pa ng butas sa nipple ko eh nabuksan kasi grabe talaga ung shower! nako sayang di navideohan hahaha sabi pa nga ni Nanay maganda daw picturan ung mirror kasi kita dun ung mantsa ng gatas. hanggang ngayon di ko pa pinapapunasan un hahaha ung akala kong konti, sobrang dami pala. pati sila inaasar pa ko sabi “yan ba ung konti lang?” 😅😅 anyway.. after ng masahe, tinuruan ako ni Nanay Wilma naman kung paano ung hand express. habang naghahand express ako, tinuturuan naman nila ang ate ko ng cup feeding (siya kasi nag aalaga kay baby pag nasa work ako). mahirap daw pero tyagaan lang talaga. back to hand express, nakakangalay pala. pero enjoy kasi nakikita mo ung sumisirit talaga ung gatas hahaha. masakit sa una kasi di ka sanay pero practice makes perfect. and as of today, nakapag hand express na ko ng 3oz in 5mins of hand expressing both breasts.. pero tbh, masakit mag hand express sila Nanay Rich HAHAHAHA nasaktan ako eh pero okay lang kasi andami naglabasang liquid gold! 😍 nung nakatulog naman si baby, pinasok ni Nanay Rose ung nipple niya kay baby. sabi ni Nay Rich para daw maintroduce ulit si baby sa dede. and surprisingly, naglalatch siya nang tulog. NAINGGIT AKO! pramis. ung feeling na gusto ko na isuksok utong ko sa anak ko. hahahaha pero patience is a virtue ang peg ko.. pinag meryenda ko muna sila Nanay at ako naman nagbitbit kay baby. nung medyo nagutom, tinulungan ako ni Nanay Wilma sa drip drop (gamit spoon, idadrip drop sa nips para may masupsup si baby).. MGA BESHYMOMS! naglatch si baby! pero saglit lang mga 5secs. pero 5 seconds in heaven! hahaha pramis ang sarap sa feeling. 💕 syempre si baby sobra ung iyak niya during the session kasi hinahanap na niya talaga ung bote. makirot na makitang umiiyak siya pero tiis lang kasi para makalimutan na niya ung bote.. sobrang sulit ng session. andami ko natutunan. di lang ako pati mga kasama ko sa bahay. kaya sobrang thank you sa group na ito, sa mga admin na nagbigay ng number ni Nanay, at sa mga advices din sa mga queries ko. mga mamshies, tulungan niyo ako sa prayers. sana bumalik na talaga si baby sa latching. 🙏🏻 Nanay Rich Talle: 0916 308 6434 Consultation + Massage Fee: 1,800 Wet Nurse: 200 total of 2k.. Home Service yan. ung loc ko is Tungko, SJDM, Bulacan. taga Batasan si Nanay so kung mas malapit kayo, baka mas mababa pa ang fee. HIGHLY RECOMMENDED as last resort sa mga struggling mommies gaya ko. ☺️❤️ again, please pray for us! hehe 😊 THANK YOU!
Magbasa pa


