My BABY β€οΈ
Hi just wanna share my story here sana wag lang majudge π . Teenage mom ako, ftm. Nung nalaman kong buntis ako, monthsary namin ng bf ko, di ako nag pt. Takot ako magtake, indenial ako kasi takot ako sa parents ko. Pero alam ko that time buntis nako kasi nagbabago na yung katawan ko. The whole time na buntis ako, wala akong pinagsabihan. Kami lang ng bf ko nakakaalam although siya tapos na siya magaral, ako kakagraduate ko lang ng shs this year. Supposedly nung march, napagplanuhan na namin mag pa ultrasound and magpacheckup ng bf ko. Yes noon pa lang nung naramdaman ko na gumagalaw si baby sa tyan ko. As I've said in denial talaga ako π gabi gabi ako umiiyak. Di kami nakapagpasched ng ultrasound pero nakapagpacheckup kami sa center. Inabutan kami ng lockdown. Di ko paren sinabi sa parents ko. Napansin nila na lumalaki ang tyan ko pero pagka nagtatanong sila, humihindi ako. Sa sobrang takot ko sa gagawin nila. Naiisip ko kasi na papalayasin nila ako, at wala akong mapupuntahan. April 22 ng 11pm nakaramdam ako ng pananakit ng puson, parang nireregla lang. Since di ko alam anong feeling ng labor, dahil wala akong napagtanungan, hinayaan ko. 5am dumalas yung contractions ko. Pero nakayanan ko pa mag cellphone. 12pm hanggang hapon mas lalong dumalas pagitan ng contractions an sobrang sakit na. Nasa caloocan nakatira bf ko that time, di makapunta due to ecq. Napagdesisyonan namin sabihin na sa parents ko dahil di namin sure kung naglelabor nako. Sa sobrang takot ko by 7pm na ako nagsabi. Syempre nagalit parents ko, pero since naglelabor nako, habang nagaasikaso ng gamit ng baby ang mama ko, pinagagalitan ako π pero chill pako. Tbh akala ko di masakit, until nakahanap kami ng lying in clinic na open, and pinaputok na yung panubigan ko after ako nag i.e. Nagalit pa yung doctor, sabi sakin na sana nagpa ultrasound ako kahit na tinago ko sa magulang ko. Pero salamat kay Lord kasi okay ang heartbeat ng baby ko, and nasa tamang posisyon daw si baby. Inadmit nako kasi 6cm na daw ako. After non lalong sumakit yung contractions ko. Eh ang kaso may kasabay ako na buntis, nauna siyang nanganak, nafeel ko na palabas na si baby, pero may tao pa sa delivery room, tinatahi pa π di ko na kinakaya yung pain and iniire ko na siya as in and feeling ko nakalabas na yung ulo niya and sumisigaw nakk. Dali daling tinahi nung doctor yung nakasalang, and ako yung pinalit. Sandali ko lang inire si babh, sobrang pasalamat ko kinakabahan ako kasi wala ako expi, wala akong napagtanungan as in wala akong alam pano gagawin. Buti ginuguide ako ng mga nurse. Nung pinatong na si baby sa tyan ko, narelax ako habang sa kinuha na siya ng isang nurse para linisan and bihisan. And nilipat ako sa stretcher, papunta sa kama ko. After mabihisan, binigay siya sa mother ko. 6.2lbs and 50cm. Di ko alam gender ni baby nung buntis ako, pero kutob ko na lalaki. Naghanda kami ng bf ko ng 2 pangalan, pang boy and girl. Happy ako kasi boy, gusto ko kasi ng panganay na lalaki dahil di ko naranasan magkakuya. May struggles parin kami ng baby ko until now, pero I'm happy na katabi ko na siya ngayon β€οΈ