Birth Journey.

Just wanna share my birth journey. 1st day of my labor, masakit lang pantog ko. Normal na sakit na parang may menstraution ka lang. Natitiis pa kahit 2-3 mins interval ng sakit. 2nd day, Active labor na! Iyak nako ng iyak, panay na balik ko sa lying in kasi ang sakit sobra, pero panay din pauwi ng OB kasi 1cm palang ako. 3 times ako bumalik, 3 times din ako pinauwi, puro 1cm. Take note dinudugo nako neto. Nakadiaper nako and puro dugo na nalabas sakin. Buong araw ako hindi nakatulog, kahit iglip di ko magawa, antok na antok nako pero halos mamilipit ako sa sakit at hindi ako makahinga pag hindi nakaupo. 3rd day, first balik ko ng umaga. 1cm padin pero pinaiwan na gamit ko para don sa panganganak ko. Then eto na, hindi nako matigil sa kakaiyak kasi sobrang sakit, triple yung sakit. Hindi nako makagalaw at feel ko lalabas na yung anak ko sa sobrang sakit. Then pagbalik ng 12PM, pinagsquat ako ng Dra para mabilis tumaas cm ko. Habang nagiisquat ako, tumagas na yung dugo ko so dali dali ako pinahiga. Pagka IE sakin, 5cm na ako. Sa wakas! πŸ˜† Pero hindi padin ako pinaanak kahit ireng ire nako dahil hindi pa naputok panubigan ko. So pinutok ng Dra panubigan ko, di ko makalimutan gulat ko sa haba ng ipapasok sakin para maputok panubigan ko pero ni isang sakit wala kong naramdaman hahaha Nung pumutok na panubigan ko onti onti nadin nawawala sakit nung labor ko pero hindi ko na maramdaman buong lower body ko, as in sobrang manhid. So habang pinapaire ako ng Dra, wala kong maramdaman. Naramdaman ko lang yung balikat ng baby ko nung lumabas na sya. Then kahit nung hiniwaan ko unaware ako kasi wala nakong maramdaman. Thank God. Kaya siguro ako binigyan ni God ng challenge ng napakasakit at tagal na labor kasi hindi nya ako pahihirapan sa pag ire. Narinig siguro ni God pangamba ko nung buntis ako na takot na takot isipin mangyayare sakin sa pag ire, yun pala sa labor mas masakit and sa pag ire ni kagat ng langgam na sakit wala kong naramdaman. #AnsweredPrayer 3.1KG L.O ko 2:44 PM. 30 mins na irehan πŸ˜†πŸ˜΅ 3 days Active labor.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po Mommy. Sana, makaraos na din kami ni baby. ☺️