I wanna know your opinion.

Wala na kami ng father ng baby ko. Six months na ata kaming hindi okay tapos ako nalang yung kumakapit o umaasa pa dahil gusto ko kasama namin sya ng baby ko. Bale ano pala sya, kasal sya tapos may isang anak pero hiwalay na sila nung girl bago naging kami. Lagi nya ko sinasabihan ng malandi kahit wala akong ginagawa he even said na anak ko lang tong dinadala ko. Gusto ko na syang kalimutan pero yung puso ko nasa point pa din na umaasa na baka bumalik sya sa dati at maging okay kami. Due date ko na this January, wala parin syang paramdam. Pinagiisipan ko parin kung isusunod ko last name nya sa anak ko o ilalagay din sya sa birth certificate. Sa tingin nyo mommies? Don’t judge me please. Gusto ko lang naman ng masaya at buong pamilya para sa anak ko. :( #advicepls #firsttiimemom #singlemom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Br strong for your baby and yourself. Triggered ako sa situation mo. I won't judge you but I will judge your partner 😅 Nagawa niyang hiwalayan magina niya what more ikaw pa? Hindi kayo pwede magpakasal kasi hindi pa siya annul, anong habol mo? Hindi nakakabuhay ang pagmamahal, mas nakakapatay pa nga eh 😅 Gugustuhin mo bang lumaki anak mo na ayaw sakaniya ng tatay niya? Makakaapekto yung sa bata na ayaw sakaniya ng tatay niya. Wag mong isunod sa surname ng lalaki. Illegitimate anak niyo, sa surname mo isunod. Total sabi naman niya anak mo lang naman eh, bakit mo pa isusunod sa surname niya? I don't think on the same page kayo na gusto ng buong pamilya, gawin mong lesson yung magina niya na iniwan niya, at parang ngayon nagbabalak na siyang iwan kayo. Kaya ka niya siguro sinasaktan emotionally kasi baka yun ang way niya para makaalis. Sana hindi ka mabulagan ng nararamdaman mo at makapag isip ka ng mabuti at hiwalayan mo na yang partner mo. And that is my opinion.

Magbasa pa
3y ago

Welcome ❤️ Ingat kayo ni Baby 🤣