SSS MATERNITY BENEFIT. WHAT I THINK YOU SHOULD KNOW.

Una po sa lahat hindi po ako authorized ng SSS na mag disseminate ng info, ishe-share ko lang po yung kaalaman ko baka sakaling may maitulong po sa mga mommies. Kung hindi po kayo tiwala, wag maniwala at marapat lang po na pumunta kayo sa mismong opisina ng SSS para magtanong. ? ALL RIGHTS sa SSS. kung sa tingin nila/niyo mali mali ang pinagsasabi ko inform nyo kang ako willing akong mas matuto pa nang maitama ang maling kaalaman. ? drama ? Kung basher po kayo, gumawa kayo ng sarili nyong Thread, bawal ang nega dto. At bawal mang away ? Buntis ako, buntis ka o buntis sya, wag natin stressin ang isa't isa ? MAHABA PO ANG THREAD NA ITO. Kung may mali ako icorrect nyo ko ng maayos pls lang hehe. BASAHIN MUNA with patience ? ARAL LANG PO. Terms po muna tayo para madali.. Maternity Benefit - Mga mommy, benefit po to HINDI LOAN. Wag nyo pong gagamitin ung term na Maternity Loan dahil wala po tayong uutangin sa SSS, benepisyo po ito para sa mga buntis na nagbayad o nagbabayad ng contributions. At hindi din po maternity Leave ang tawag dito. BENEFIT po ito, BENEPISYO. yung ibang mommies po kasi sinasabi magfile sila ng Maternity Leave sa SSS. Icorrect natin mommy ok po, ang leave sa employer po pinafile. ? MAT-1 o Maternity Notification - Itong form na ito ang gagamitin mo mommy para maipaalam sa SSS na buntis ka. Pwedeng gamitin ito ng employed, self employed, voluntary paying member, ofw or non working spouse. MAT 2 or Maternity Benefit Reimbursement Form - Ito po ung form na ifa file nyo after po ninyo manganak. Ito ang form na kailangan ng SSS para maiprocess ang maternity benefit nyo. Take note: sa MAT 2, may dalawang klase ng form para sa mga type ng payor. Iba ang form ng mga employed at iba ang form para sa mga VM, SE, OFW at NWS. Tignan nyo po mabuti ? Paano malalaman ang difference? Ang MAT 2 ng Employed may nakalagay sa title ng form na MATERNITY REIMBURSEMENT. Ang MAT 2 ng VM, SE, OFW, NWS may nakalagay sa title ng form na MATERNITY BENEFIT APPLICATION. Be aware of the difference. ?? Date of Contingency: ito ung date kung kelan ka nanganak, o nakunan mommy. Semester of Contingency: ano ang semester? Ang semester ay binubuo ng dalawang quarter. Ang isang quarter ay binubuo ng tatlong magkakasunod na buwan. Sa sss ang semester of contingency ay binubuo ng isang quarter bago ang quarter ng iyong panganganak. Ha Kung d mo maget, eto example. Halimbawa mommy, nanganak ka noong june 16, 2019, ibig sabhin ang date ng contingency mo ay syempre June 16, 2019 ? Ang quarter of contingency mo ay march to june (3months) para makuha ang semester of contigency kunin mo din ung isang quarter bago ang quarter ng iyong panganganak. kaya ang semester ng contingency mo ay January to June. Gets mo na siguro? ? LOI o Letter of Introduction: Para po ito sa bangko, manggagaling ito sa sss at magsisilbing endorsement letter. Kelangan ba? Yung iba hndi na kelangan lalo na kung kaya naman nilang mag open ng account sa bangko at kayang bayaran ang required amount to be deposited. ? kung mejo tag hirap tayo mommy, need mo siguro ito. Paano makakuha? Pag ready ka na sa MAT 2, ikaw mismo ang magrerequest sa office ng SSS. ? Minsan binibigay na yan kasama ang ibang requirements ng MAT 2, un ay kung magtatanong ka din or kung mapag uusapan nyo ni SSS employee. Oha. Wag iassume na automatic yan inaabot. ? L501 o Specimen Signature Card - ito ay para lamang sa mga Employed. Card po ito na binibigay ng SSS sa employer. Dto, pwedeng mag assign si employer ng 3 representatives nya na pinapayagan o binibigyan nya ng AUTHORITY na pumirma sa mga dokumento na kelangan para sa pagfile ng claims o anu mang documento na kailangan sa SSS. Kaya nga "Specimen Signature" dahil dto makikita ang signature ng mga taong pwede lamang pumirma "in behalf" of the employer. Mga Mommy, kelangan may stamp po ito ng SSS na "Received" with date and signature ng sss employee para maging Valid ito for transactions. ONE YEAR LANG ANG VALIDITY NITO. Certified True Copy or Authenticated copy - mga mommy dapat alam niyo po ito lalo pag dating sa Birth certificate ni baby. ang Certified True Copy ay iba sa Original copy. Ok ba? Ung orig copy, iphotocopy mo tapos ipa certify mo sa munisipyo/civil registrAr na True copy sya o authentic copy sya. Ang arte may originial na nga?! Sumunod ka na lng hehe. Ung iba kasi momy tampered may white ink ganon syempre claim yan patunayan mo na authentic ung copy mo. Ang arte ha original na nga with seal gusto pa certified true copy?! Mommy wag dto, punta ka na lang sa SSS dun mo ipaglaban discretion na nila yan ? basta sumunod sa instruction. ? -------------- Kaya pa ba? Kung interesaro ka, kaya mo pa yan ? SINO O PARA KANINO ANG MATERNITY BENEFIT - Kelangan babae ka, confirmed na buntis ka at syempre DAPAT member ka ng SSS ? SSS COVERAGE: Employed ka, Voluntary paying member ka, Self-Employed, registered Non-Working Spouse, o OFW ka. *Mga mommy, may ibang lalake na akala nila pwede ipagamit sa asawang babae ang sss membership. Hindi po pwede ok, paki inform na lang si darling nyo. Non-transferrable po ang maternity benefit claim. May paternity leave sila, at sa employer lang un hindi na po yan sakop ni SSS. ? KELAN? - Kelan pwedeng magfile ng maternity notification o MAT-1? The moment po na nalaman mong buntis ka, at least 60 days mag notify ka na with proof of pregnancy po, ultrasound report usually ang kelangan. Pero since online na ang filing nito, dapat meron kang web registration sa sss.gov.ph, hanapin mo lang yung my.SSS para ikaw ay makapag rehistro. Mommy! Online na ito dapar ifile ngayon ok! Kung employed ka, inform mo employer mo para maupdate nila online. Kung VM, SE, OFW or NWS ka ikaw po mismo ang pupunta sa SSS para magfile ng maternity notification. Ito ung dati. Update: online na din po ito. Pwede din po online magnotify mommy, or kung may UMID ka pwedeng pwede din po sa KIOSK machine ng SSS. Aheeeeem!!! INSTRUCTIONS!! - mukhang di kelangan pero sobrang Importante po ito mommy. Pls read below kung ayaw nyong mag pa ulit ulit at magpabalik balik. 1. Sa form po strictly BLACK INK only and CAPITAL LETTERS. Magbasa po ng instructions sa form mommy. Bakit hindi pwedeng blue? Kasi nagkikeep si SSS ng scanned copy ng files nya. Hindi po nababasa ng maigi ang blue ink so lalabas na malabo or walang sulat ang form. ? Reklamo? Blue ballpen lang ayaw pa tanggapin?! Paano uunlad ang Pilipinas nyan? Wow mommy hehe hindi nga po talaga uunlad ang Pilipinas kung SIMPLE INSTRUCTION LANG HINDI PA KAYANG SUNDIN. OHA. ? BANAT PA! ? Ang arte bakit Capital Letters pa? Mommy hindi lahat ng sulat ng tao madaling basahin, lalo kung dikit sikit at maliliit. ? Ineencode din po ung mga nakasulat sa form, mas maganda kung madali nila mababasa di ba. 2. Importante na ilagay lagi ang tamang SS number. Always check mommy kung tama ang nailagay pls. Wag gamitin ang number ng asawa mo. Hindi nabubuntis ang lalake ? 3. Tignan ng mabuti ang mga personal info na isinusulat natin sa form, dahil pag dating sa pirmahan may nakalagay jan na sine-certify mo na TRUE and CORRECT ang naisulat mo. 4. ERASURES/ALTERATIONS: always po na i-countersign mommy kung may pinalitan o binago sa sinulat sa form. Parang bangko lang yan, kung may binago ka o binura ka, pirmahan mo sa gilid o sa tabi. U have to acknowledge mommy na may binago ka sa form mo. Simple lang pero actually nagko-cause yan ng delay sa processing. Kaloka? ? 5. Letter of Authority or Authorization Letter. Hindi lang po ito para sa maternity benefit, para na din po sa kahit ano mang transaction sa SSS. Mga mommy, meron po tayong tinatawag na Data Privacy Act. Hindi porket asawa ka, o asawa mo e agad agad ka ng may karapatan na silipin o baguhin ang record nya sa SSS. O kahit magfile ng ano mang claim. Kahit sabihin mo pa na dala mo ID nya o marriage cert nyo. Mommy wag na mag insisit, sundin natin ang protocol nila. MARAPAT PO na may authorization letter tagalog o english si member with date ha (wag ung last week pa o last year pa ?) kapag ibang tao na ang mag veverify, mag iinquire at magbabago ng record at magpa file ng claim. Respeto lang sa isa't isa. Oo mommy record mo yan at the same time RECORD DIN NI SSS YAN. ? ----------------- heto naaaaaaaa Whoooooo!!! REQUIREMENTS!! Una sa lahat. Kelangan ng.... COMMON SENSE..hehe oo tama yan.. hindi ako bully, kelangan po yan, intindihin mabuti, wag mahihiyang magtanong, kalma ka lang relax ka lang kaya mo yan mommy.. Pangalawa: Bago mag file. pls..check nyo muna po kung maayos ang record nyo. -Tama ba ang spelling ng pangalan nyo sa record ni SSS ? -Tama ba ang Birth date nyo? -Tama ba ang gender nyo? Kaloka pero may ganyan po na cases mali ang encoded na gender. - Tama ba ang coverage nyo?? Mommy ung iba kumuha ng ss number for Employment pero ang unang hulog Self employed or Voluntary Kaloka. Wag po ganun kasi lalabas na mali ang coverage nyo, masaklap pa jan pwede madeny ang claim nyo. Unless nag apply ka ulit as Self employed pwede po. Pero kung voluntary agad agad, kabahan ka na, yari ka ? Magverify po sa SSS ha, kung lalabas na problem yan sila po ang kausapin nyo kung paano aayusin or kung maayos pa ba? ? Magbayad ng tama mga mommies at magbayad ng naayon sa SSS coverage.. MAT-1 - UMID/ SSS ID/ any Primary Id or any 2 valid ids - Proof of pregnancy (Ultasound report) - pls. Properly accomplish the form. If employed: Allow ur employer to sign the form. - if to be filed by a representative, need po ung authorization letter. Balik ka sa taas basahin mo dun ? Note: hindi porket nai file mo na ang MAT-1 e garantisadong may make-claim ka na. ? Totoo ito, hindi chismis. ? malalaman mo mamaya kung bakit. MAT 2 -MAT 1 form received and acknowledged by sss. (Kung online ka nagfile pls keep a printed copy of your transaction number) - UMID/ SSS ID/ any Primary Id or any 2 valid ids - Certified True Copy or Authenticated birth Certificate. Duly registered mommy ha. Hindi po ung late registered. Kung kate registered ang birth cert ni baby, kuha na po kayo ng PSA copy. - kung CS ka, need ng record galing sa hospital, hndi po kasama ung bill nyo mommy ha sa philhealth na yun ? ang need po ay ung operating room record/surgical memorandum. At yes, CERTIFIED TRUE COPY ULIT. Kung employed, at ikaw ang magpapasa kuha ka ng copy ng updated L501 sa employer at as usual dapat may pirma si employer jan sa form with the computation of the benefit na marereimburse. At nasa batas ng sss na dapat iadvance ni employer kay mommy ang maternity benefit. Sad to say, may mga employer na hndi nag aadvance ng pera dahil takot siguro na baka may chance na madeny ang claim ni mommy dahil may problema o baka kulang ang mareimburse na pera dahil mali ang computation ni employer. At yes. May nakuha kang advance payment o wala, required na pirmahan mo ung nakalagay sa form na " i certify na nakuha ko na/naadvance na ang maternity benefit ko" something like that. Bakit?? E wala naman talaga ko nakuha bakit ko pipirmahan?! Eto ha, nasa batas yan na dapat bayaran ka in advance ni employer mo. Awayin mo ang employer mo pag denied ang claim o binalik ang application mo dahil ayaw mong pumirma. Obligasyon ni employer ang sumunod sa batas ni sss. Si employer ang dapat magcocomply at hndi si SSS ang dapat mag aadjust. Kaloka? Yes na yes! ?? Kung nagresign na bago manganak, humingi po kayo ng certificate of separation and no advance maternity benefit payment sa employer nyo dahil kakailanganin nyo po yan para sa MAT 2. NOTE: Wag na wag po iwawala ang MAT 1 dahil hahanapin yan sa pagfile ng MAT 2. QUALIFYING CONTRIBUTIONS: Sa computation, backwards yan. Pipili si SSS ng at least 3 and maximum of 6 highest contributions mo isang taon mula sa semester ng contingency o panganganak mo. Isang taon aatras si SSS sa pagcompute ng benefit mo mommy. Paano? Halimbawa nanganak ka po ng Januray 8 2019. Ang semester ng contingency mo ay october 2018 to march 2019. So ang qualifying contibutions mo po ay one yr backwards ibig sabihin mula october 2017 to september 2018. Mula sa mga buwan na yan pipili si sss ng maximum of 6 na pinakamatataas na contributiona at dun nya gagawin ang computation. Hndi ko gets isa pa pls? Ok.. halimbawa manganganak ka sa sept 2019. Halimbawa Edd is sept. 22, 2019. So ibig sabhin mommy ang semester of contingency mo ay mula july to dec. 2019 (1 semester o anim na buwan). Atras tayo ng isang taon, so ang mga qualified na buwan ay mula july to dec 2018 at january to june 2019. Pipili si sss ng 6 contributions na pinakamatataas at un ang kukunin nya sa pagcompute ngbenefit mo. Laging tatandaan ang semester of contigency ay binubuo ng abim na buwan o dalawang quarter. At ang dalawang quarter na tinutukoy dito ay ang quarter bago ka manganak plys yung quarter ng iyong panganganak. Haaaay. Questions?? Need ko pa ba mag change status kasi single pa ko sa record ko e? - mommy karapatan mong mamili kung gagamitin mo ba ang maiden name mo o married name mo. Pero dapat lahat ng documents na ipapasa kay SSS ay tugma tugma din po. Magchange status ka na kung dalaga ka pa sa sss record pero sa hospital record o ibang needed document e apelyido na ng asawa mo ang gamit mo. Lalo sa bank account importante na walang discrepancy o di pagkakatugma. Ayaw ntin madelay kaya ayusin ang dapat ayusin. Paano po yan AWOL po ako at hndi na nakapag hulog? Depende yan kung kelan ka nag AWOL at kung kelan ka manganganak. Para sa mga may qualified contributions pero hndi makakuha ng cert of separation sa huling employer, gawa kayo ng Affidavit of undertaking. Notarized. Ano yan? Isalaysay nyo jan kung kanino kayo huling nagtrabaho, saan at hanggang kelan. Ilagay ang rason kung bakit wala kang cert of separation at isalaysay kung may nakuha ka ng advance payment sa maternitu benefit. Bakit Denied ang maternity 2 ko e tinanggap naman ang MAT 1? maraming posibleng rason. Isa na jan ang date of contingency mommy. Kung sa Mat 1 mo po e inilagay mong EDD mo is july 2019 pero napaaga ang panganganak mo at naging june 2019. Ibig sabhin nabago din ang semester of contingency mo. Tandaan ang computation ay paatras ng isang taon mula sa semester ng panganganak. So kung nangyari un at natapat na walang posted contribition or less than 3 contribution lang ang pasok sa kalendaryo e talagang madedeny po ang claim. Reklamo? Aba d ko naman kagustuhan na mapaaga sa panganganak? Mommy hndi din po kagustuhan yan ni sss pero may office order po sila na dapat masundo kaht ipatulfo mo pa yan ? Sabi sa SSS magbayad ako ng ganitong buwan para maqualify ako pero nung nagfile ako nadeny ang claim ko?! Mommy baka same case po sa taas. Kung may mas malalim na dahilan dun ka na sa SSS mag reklamo wag dto ? Nagbayad naman ako ng maximum bago ako manganak bakit hndi maximum ang nakuha kong benefit?? Mommy balik tayo sa date of continency and semester of contigency. Nandun na ang sagot kung paano nangyari. ? May priority lane ba talaga para sa mga buntis? Bat nung pumunta ako pumila pa din ako? Hay naku mommy baka hndi lang ikaw ang buntis don na kelangan mapriority. Magbaon ng mahabang pasensya, kung hndi kayang pumila ng matagal, mag authorize ng representative. Kung pwede lang palakihan ng tyan ano? Kaso hndi hehe first come first serve pero dpende kung mas kailangan unahin ung isang buntis. ? Sinabi ko na buntis ako pero hndi ako napriority dahil hindi pa halata? Karapatan ko un ano yan?! Mommy nasa official gazette na kelangan po ng ultrasound report or med cert pag d pa halata ang tyan. Hindi naman sa nagdududa po pero parang ganon na nga? Kaloka ? TIPS Bago magclaim: Siguraduhin na tama ang record mo sa SSS mommy mahirap mag ayos ng record lalo pag buntis ka na or kapapanganak. Reklamo? Bakit d ako iniinform ng sss na may mali sa record ko tapos pag nagbayad ako tanggap ng tanggap?? Mommy obligasyon nyo na icheck kung tama o kung may kulang at dapat ayusin sa record nyo. Kayo ang gumawa ng record, certified nyo yan na tue and correct dahil pinirmahan nyo kaya hndi nila agad agad madedetermine na may mali pala. Wala pong spoon feeding jan, bago ka pa man maging member dapat alam mo o knowledgeable ka sa kung ano ang pinapasok mo. ? Iverify kung tama ang way ng pagbabayad. Check kung kumpleto ang dalang requirements. At pls po. Sa pagrerehistro ng birth cert ni baby tignan nyo po ng mabuti kung tama ang spelling ng pangalan niya, gender nya, birth order nya (kung pang ilan sya na ipananganak nyo regardless kung may anak ka sa ibang lalake diretso ang bilang nyan) check nyo din kung tama ang petsa ng kasal nyo ng asawa nyo. At kung tama ang pangalan nyong mag asawa. Last but not the least. Wag pirma ng pirma ? basahin intindihin magtanong kung may di klaro. Ung iba sige pirma na lang ng pirma para matapos agad un pala hndi nagegets kung ano nangyayari ? tandaan kayo ang gumagawa ng record nyo, ayaw namn sigro ninyo ng magulong record? ? Hanggang dito na lang siguro ? inaantok na kami ng baby ko sleep muna kami ?

SSS MATERNITY BENEFIT. WHAT I THINK YOU SHOULD KNOW.
83 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Bkit po kya hindi nila ito ineexplain s sss kz tumawag aq pra mginquire at mgbyad n din ng contributions ko if one yr backwards pla ang ggwin nila n computation dpat ininform nila pra hnd sayang ung mga binayaran nmin edi sna d n kmi ngbyad kng gnun nmn pla ... Ngtnong p ko kng qualified b ko sgot sakin as long as mgbbyad dw aq kay sss ng contribution ko with minimum payment daw of 250 ... Binayaran ko 360 per month for the yr ng 2020 until july ... Wew sna inexplain nila ung coverage n un bfore k mgbyad to think n ngtnong p ko ng exact details s knila ... Ung mga tauhan b ng sss d aware s srili nilang mga protocols ? Haiz ang gulo i think i should talk it out with them again ... Thank u s mga info at least ngkaroon aq ng mga ideas ...

Magbasa pa
4y ago

kelan po ang edd? kelan din kayo tumawag? kasi hindi rin po natanggap si SSS ng late payment

VIP Member

18 WEEKS na po ako tom. At nalaman ko lang na buntis ako JULY 8, 2020. DUE DATE KO DECEMBER 18, 2020 po. ACTIVE PCOS PATIENT PO AKO, Unexpected po na mabubuntis ako. So wala akong ka alam alam na buntis na pala ako. Nag email palang po ako sa EMPLOYER KO (HR) about sa pagpafile ng MAT 1. Pwede pa naman po diba? FIRST JOB KO PO YUN APRIL 2019 UPDATED PO ANG HULOG NA STOP LANG NG APRIL-JUNE 2020 DUE TO LOCKDOWN. Ngayon nag RTW nako nung JUNE 19, THIS JULY 30th MACOCONTINUE ANG HULOG SA SSS. MAKAKAPAGCLAIM PA DIN BA AKO KUNG IAAADVANCE NILA? PA HELP NAMAN PO WALA PO TALAGA AKONG IDEA SINCE FTM DIN PO AKO. VERY HELPFUL PO ITONG POST PERO HINDI KO PO TALAGA MAINTINIDIHAN YUNG IBANG CYCLE. SALAMAT PO SA SASAGOT!

Magbasa pa

Self imployed po ako panu po malalama kung ok na ung mat1 na pinasa Ko?kasi binigya po ako ng form ng dati kung agency pil apan ko daw po un tapos iatach ko ung ultrasoun ko.kaso di po nila inacept hinihingan po nila ako ng email add nung binigay ko po now po di naman po ako makapsok sa website nila.tapos nasabayan po ng lockdown after lockdown po pumunta ako sss sinabi ko po na magpasa ako ng mat1 kaso sabi nila online daw sinabi ko po na di ako makapasok sa website nila now po binigyan po nila ako ng form pill apan ko daw po saka ko iatach sa ung ultrsound binigay ko din cell num ko.now po panu ko malalaman kung ok na po sya kasi di po nagtxt or tumawag?

Magbasa pa

hello po, thank you po sa knowledgeable na message nyo mamsh. sobrang helpful po. ask ko lang po, kasi ako nag resign nako last September 2021, then nabuntis ako ngayong January 2022, nag file ndn po ako ng MAT 1. pero may kulang po akong hulog, from October 2021 na resign ako until now Feb 2022. ask ko lang po, bukod sa pending kong hulog, ilang buwan pa po need kong i settle pala makapag claim ng benefit? September 2022 EDD ko. salamat po sa makakasagot. πŸ’—

Magbasa pa

SSS MATERNITY BENEFIT Question lang po... Kasal po ako at gamit ko pa rin po ang surname ng husband ko kahit na 3 years na kaming hiwalay dahil yun po ang formal records and officially requirements ko bale sa pagbubuntis ko ngayon surname ng kinakasama ko ngayon ang ipapagamit ko sa anak namin. Wala po bang magiging atrasado don sa SSS kung iba surname ng anak ko sa Status kong Married sa surname ng husband ko? Please resfect and thank u so much sa makakasagot.

Magbasa pa
1y ago

hello po ask ko lang po, same po kasi tayo.. .nung nagpasa po kayo dati ng mat2 nagkaproblema po ba sa sss? nakakuha pa din ba kayo? yun kasi iniisip ko ee..surname ng asawa ko dati gamit ko tapos ngayon manganganak ako balak ko sa BC ni baby surname ng bago kong kinakasama..

Ask ko lang po last year kc kapapanganak ko lng kso nmty baby ko, then ung maternity ko d ko p rin nkukuha gang ngaun npending kc sa agncy ung mga req. Ko .. but now nsa akin n po at need ko nlng ipasa kso wla nmn mskyan ngaun papunta s sss .. then ask ko lng din po ulit kc buntis ako ulit ngaun nag file aq ng mat.1 ko my chnce p kya n mkakuha aq eh last year lng aq nangank at gang ngaun d ko p nkukuha mat. Ko.. thanks po s sasagot

Magbasa pa
4y ago

tanungin mo muna yung sa namatay mong baby then pag okay na yun, magfile ka na ng para sa new baby mo

hello po , pwede po magtanung kasi yung sa akin po ang company ko po ang nag pasa ng mat 1 ,, tapos nung naka panganak na po ako sinabi po ng company ako na po ang mag aayos kasi nasa visayas po ang company namin tapos nandito po ako sa luzon na nanganak.,pwede lang po ba yun na ako ang mag aayos ? ano po ang dapat kung hingiin sa company namin para maayos ko po.? salamat sana ma replyan po.

Magbasa pa
3y ago

same case hir. Hawak ko na nun yung mga documents na naka attach sa MAT 1 plus birth cert.ni baby, submit sa SSS binigyan ako MAT 2 form doon. kung may sarili ka bank account, mas maigi na din dun pasok payment

Hi po ask ko lang kasi ng stop ako sa work so natigil hulog ko sa sss, pero nung nalaman ko ba buntis ako ng voluntary ako bale ang updated ng hulog ko Jan. Feb. Mar 2020, tapus hindi nko ulet naka hulog since ng lockdown na tapus nung ng send ako ng MAT 1 ang EDD ko July dapat pero nanganak ako ng June, meron pa kaya ko makukuha sa Maternity benefits? Thank you po..

Magbasa pa
4y ago

Jan-Dec 2019 dapat me hulog Yan kasi yong qualifying months mo. Yong semester of contigency mo is jan-june 2020

Paano kaya yung akin? Last year kasi nagbuntis ako tapos pina stop muna ako sa work ng pinapasukan ko kasi hindi daw pwede ang buntis,ngayon ilang buwan ko hindi nahulugan SSS ko..nung mga bandang september nagfile ako ng Maternity leave kaso hindi naman inasikaso ng Company ko hanggang sa nag resign na ako! Paano yun meron pa ba ako mahahabol o wala na?

Magbasa pa

My SSS status is still Single pa. Tapos I am already married however, after two year of marriage naghiwalay ren kami. I am with someone else now and got pregnant. Call center agent at the moment ako, Married name documents ko at work. Do I need to change may status in SSS from single to married bago paka pag file? Appreciate your response. Thank you

Magbasa pa
1y ago

hello po ..question lang po, same situation po kasi tayo, dati po akong kasal pero 3 years na po kaming hiwalay, ngayon po may bago na ko kinakasama gusto ko din sana ipagamit surname ng kinakasama ko sa BC ni baby, nakakuha ka po ba sa matben po? hindi po ba nagka problema ? sana po masagot salamat po