Meet my Baby Girl Mayah😍

Ultrasound Due date 1st: July 29,2020 (OB: August 12,2020 nagbase si Oby ko sa size ni baby) 2nd: July 28,2020(kasi bigla nagdevelop si baby ng mabilis) 3rd: Until August 6, dapat lumabas na sya DOB: August 4,2020 40 weeks(Normal Delivery) 3.1kg #firstbaby .. Share ko lang.. 😁 Aug 3 ng gabi nagstart sumakit puson ko, parang nakamens lang pero di sobrang sakit, tapos ihi ng ihi.. Lakad lakad sa hallway ng bahay while nakikinig ng music until matulog(cr kasi ng crπŸ˜‚) Kinabukasan Aug. 4, magssleep sana ko sa kwarto, bigla ako pinalabas sa terrace, babantayin daw ako ng mother in law ko baka daw naglalabor na ko, di ko pa sinasabi.. πŸ˜‚ Lunchnoon, dami kong kinain, as in sira diet, ewan ko ba gutom na gutom? πŸ˜‚ After that bigla ako napaupo sa sakit ng puson pero agad din nawala.. Ayun, cr again, natatae pero walang lumalabas πŸ˜‚ No mocuos plug parin.. So yun, chat chat sa hubby ko, kay mama ko habang nakatayo sa washing machine(nakaidlip pa ko ng konti doon, ayaw kasi ako patulugin ni mother, hahaπŸ˜‚) Si hubby at mama ko gusto na ko ipadala sa hospital para icheck kung ilang cm na.. Sabi ko, last week 1cm palang.. At kaya ko pa naman, masakit lang ng konti puson ko at natatae.. πŸ˜‚ Chinat ko asawa ko na kauwi nya from work, 4:30pm lakad kami sa park tapos meryenda(sa totoo lang gutom talaga akoπŸ˜‚) 3:30pm nagnenerbious na si mother in law, so yun nga, di nya na matiis, punta na daw kami sa hospital, pa IE lang daw ako.. Kapunta sa hospital, dinaretcho ako ni brother in law sa ER, nakawheelchair, sabi ko maglalakad na lang ako, bawal daw.. 😁 So yun, ka IE, sabi sakin 5cm na daw.. Ready na ko manganak.. Ow my! Nagrequest pa ko kung pwede tumayo(kasi gusto ko talaga magmeryendaπŸ˜‚) kaso di na daw pwede tumayo.. Tinurukan na ko ng dextros(3x, takot pa mo ako sa karayomπŸ˜‚) Tapos pinutok nila bigla panubigan ko.. 😢 Whoooo.. Ang lameg, naka aircon, nginig na nginig yung tuhod koπŸ˜‚.. Ire na daw ako para lumabas si baby.. Grabe, hinintay ko yung "HILAB" nakakatulog na ko, wala pa rin.. Ire na ko ng ire, natae ko na lahat ng tae ko at wiwi si baby ang behave parin sa loob ng tummy ko πŸ˜‚ Mag 2 hrs ako umiire, as in nagpapapush na ko, tapos na mumula na daw ako pero sabi ko tuloy lang po, kaya pa.. As in mahahabang ire na tuloy tuloy para lang lumabas si baby.. Kalabas nya, di ko man masyadong naramdaman, nilagay sya sa tummy ko, hinawakan ko legs at pwet nya, ang tahimik ni baby.. 😁 Nung nilagyan ng hikaw, dun lang umiyak, katapos behave na ulit.. Yung masakit dun yung tinatahi at nililinis ka, huhu.. Pero after that di na ko makatulog sa sobrang excited na makasama si baby.. 😍 Ayun, picture agad kay baby after malinisan ng konti, agad nakadilat na mata nya at nakasmile 😍 di man sya iyakin.. πŸ˜‚ ang hinhin nyaπŸ˜‚at ang takaw, laging gutom, agad sya nagdede sakin ilang oras kalabas nya.. 😁 .. Pero salamat sa Diyos nakaraos.. Lakasan lang ng loob at pray.. 😊❀ Sa mga manganganak dyan, palakas kayo, paghandaan nyo, lagi may pray kay God.. At lakasan nyo loob nyo.. 😁 Kaya nyo yan.. 😊😊😊

Meet my Baby Girl Mayah😍
31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Congrats