My Not so Near But Yet So Far Pregnancy Journey

Hello ulit mga mii. Sana hindi ito ang 1st and last post ko ulit after a years. I don't know what i should feel now and after reading and analyzing the result of my tvs last april 30,(my 2nd ultrasound). Nagpositive sa pt pero ganito. My expected mens for April is April 21, so dedma pa muna, sa isip ko baka tlgang malelate lang. Nagantay pa ako ulit. 1 week later, wala pa din kaya april 29 nga gabi nag pt na ko and ayan nga result., april 30 wala pa ding dumating kaya nung hapon bumalik nako sa ob ko kahit hindi pa dapat kasi sa 1st tvs ko nung april 19, suggest nya to repeat scan after 2 weeks pa pero april 30 pa nga lang bumalik na kami agad kasi nga may positive pt nko although faint line pa yung isa. Pero wala pa ding makita kahit anu man lang sa tvs ko, except sa 3 myoma ko which is harmless naman daw and makapal daw matres ko. Ini-E muna ko before nung ultrasound and may dugo na sa gloves ni doc pagktapos nya ko icheck. And ayun, nakita na din sa scan na may internal bleeding. At dahil nakalagay naman sa findings nya na suggest to take beta hcg test to confirm kung buntis ba talaga ko pero yung AOG ko sa ultrasound report nya is 5.9 weeks, i expect na kahit pampakapit man lang sana, reresetahan ako ni ob pero wala kahit ano. hindi na ako nagpa hcg test. 1 day after ko kay doc, dinugo na ako. Di nko ulit bumalik sa clinic. Pasok pa din sa work, inabala ko nalang sarili ko. I don't know what should i really feel. Parang di ko pa maabsorb yung nangyri but i never questioned God. 🥺🥺🥹. Naisip ko nalang na ipost tong nangyri sakin dito baka kasi may same case ako sa inyo. Thank you mga mii if you take time to read this and i will appreciate any of your comments. Gobless everyone. 🙏

5 Replies

hi. you asking bakit 5.9 weeks? Di ko alam kasi yun yung nasa ultrasound report ko. Sinabi ko naman kung kelan yung LMP ko but it doesn't matter now. Di na din tlga ako nagpa beta hcg kasi dinugo nako kinabukasan. Ini-E pa lang ako, may dugo na nakita. Nagkaroon nako ng hemorraghic corpus luteum ilang araw akong dinudugo at isang buong araw na napakasakit ng puson ko and may nireseta sya gamot para inumin ko. 2020, nagduphaston ako reseta ng ob ko, iba yung ob ko nun. 1st checkup ko palang yun and dun din sa 1st tvs ko wala namang baby pa na kinonfirm sya. 5wks6days ako nung time na yun pero may duphaston na agad sa reseta kasama follic acid lang. Private Ob pa yun. So, sinunod ko naman, ilang araw ko ininum pero wala namang nangyari. Hnggang sa eto 2024 na. Alm ko naman may problema sakin, sa tagal ba naman na wala kaming nagiging anak. Natanong ko na din straight sa mga ob ko kung magkkaank pa ba talaga ko, direchan ng sabhin sakin para isang sakit nalang. Sabi magkakaanak naman daw. Tinatnong ko din kung may PCOS ba ako, wala naman daw kasi makikita din naman sa result ng ultrsound daw yun. Nangigitlog naman daw ako. Pero siguro nga, may mga ivsng factors pa din na nkakakaapekto bakit di ako makpgconceive. Pero di nadin naman talaga ako umaasa na, handa na din talaga ako kung hindi na talaga. if dumating pa din, salamat. If hindi na, salamat pa din. Tuloy lang ang buhay. Di ako pwede magmukmok at mabuhay sa lungkot dahil lang wala akong anak. May asawa naman akong matino, malawak ang pagiisip sa usaping anak. Di gaya ng ibang lalaki, di ka mabigyan ng anak, mawawalan na ng gana sayo o maghhanap ng iba. May ksama pa din ako sa buhay, hindi ako nagiisa. Sa ilang mga posts ko na din, nasabi ko na to. Kung ano ang kapalaran ko, mangyari na lang talaga. We all have our own battles. Pwedeng ang wala sa akin ay meron sa iba at ang meron sa akin ay wala sa iba. Mayroon pa ding maganda sa buhay ko at yun ang asawa ko na tnggap ako 100%.

if can afford ka po, isuggest sa OB-REI specialist ka paconsult para guided ka and kung gusto mo man mabuntis..may kamahalan but for sure masasagot lahat ng katanungan mo

Hindi po talaga kayo reresetahan ng pampakapit dahil ang DUPHASTON, kapag pong walang baby,magseserve sya as PAMPAREGLA. You don't really know how DUPHASTON or any other pampakapit works. They serve as Pampakapit kapag may baby and pamparegla kapag wala. Sabi mo before healthy ang matris mo that's why i doubt and never question you again baka kasi sumama lang loob mo saken lalo na kapag sinabi ko ang totoo, na ang babaeng may HEALTHY na matris, is madaling mabuntis.. But in your case,dika madaling mabuntis,so to tell you honestly,may infertility issues ka talaga,even google will agree with me. Also,not every positive PT means pregnancy lalo na kung wala ngang makita sa tvs,dapat nag take na din po kayo beta hcg . Another thing is bakit 5.9 weeks?? Bakit .9 e suppose to be 7 days lang meron sa isang linggo, diba dapat 6W2D ka? Kapag ganon po kasi ganun AOG niyo possibe pong may gestational sac manlang at yolk sac na po dapat TVS niyo. Regarding sa last pic na inupload mo,with context, don't feel bad, sono pic lang po yun ng matres mo at myoma mo,wala pong baby dun. You don't have to give message sa part na yun dahil wala naman pong baby.. Don't ever say na hintayin mo sya sa kapalit nya dahil in the first place WALA NAMANG NAGEEXIST NA "SYA".. Wala namang pong "sya" na dapat palitan. What happened to you was clearly just a part of your infertility issues. And yes,mangyayari pa po ulit yan due to your age. Sabi nga po ng OB,you fertility will decrease as you age.

*I'm so proud of him. Kaya lahat ng pregnancy ko ingat na ingat ako since lahat ng bata may kanya kanyang potential. I'm on my 5th month ng 3rd pregnancy ko right now. Pero maganda na hindi lang ikaw yung magpa-check up kundi pati si hubby mo. Sa 1st pregnancy ko may work ako nun pero si hubby 1 month nagpahinga sa work pero nabuntis ako. Then sa 2nd ulit resign nanaman siya and ako may work pa rin and dun ako sobrang puro bed rest na as in tutok yung OB ko until manganak ako. Ngayon sa 3rd ko naghihintay nalang ng due date. Sobrang importante po na same kayong healthy and well rested ni hubby mo para mas maaga kayong makabuo. Sa pag healthy ka mas malaki yung possibility na mas maingatan ng body mo yung future baby mo.

Mama's choice special 5.5 Ada voucher diskon 100% bagi bunda yang beruntung. Buruan cek >>> https://shope.ee/5V98daM1Fh . (5237459)

nakalagay po may mayoma kayo. pacheck up po ulit kau para magamot yung mayoma nyo.

Hi, yes! 1st thing na yan ang napagusapan namin ng ob ko and im starting to watch a lot of videos in youtube and tiktok regrding chances of pregnancy with uterine firoids Thank you.

and dapat sana bumalik ka sa Ob para matitukan ka kasi mag myoma ka

Trending na Tanong