12 Replies

Mommy last August sinipon din ako sobrang tindi as in lumuluha pa mata ko.. sabi ng OB ko gawin ko daw 2x a day ung tine take kong Vitamin C para mabilis mawala ang sipon ayun sa awa ng Dyos more water at nag steam ako ng vicks na may mainit na tubig at vitamins nGa. nawala naman in 2days nag ok ako.. try mu yan mommy

Sinipon at inubo din ako dati momsh, a week before schedule ko for operation(cs)..natakot din ako n bka covid n..water therapy at nag face steaming ako..un lng ginawa ko..after few days kusa nwala ubo at sipon ko..s rapid test ko negative ako s covid..hope it helps..

VIP Member

Ako po kapag masama pakiramdam ko, umiinom po ako ng lemon juice, then inom lang ng maraming tubig effective naman po :) Then rest po at mag pray lang. Huwag po mag isip ng negative para mas healthy po tayo 😊😇 Get well soon po 😊

Hindi po kasama sa symptoms ng covid ang sipon. Pero kung may sore throat and dry cough kayo possible covid. Palakas ka lang vitamin c with zinc and eat healthy para malabanan ng katawan mo yung sakit. Rest din important.

Home remedy kalang muna sis like inom ka lemon juice or calamansi and take ka vitamns mo and then have a better sleep yan lang muna ang gawin of hindi parin tumalab pa check up kana po

Ako po ngayon 2 days ng may ubo at sipon ang ginagawa ko lang po inom ng calamansi juice tas warm water pagka masakit ulo ko inom ako ng biogesic tas matutulog

ako po pag my ubo at sipon luya nilalagay ko s warm water at yon iinomin ko lagi... drink more water po at vicks s ilong yon lng 😊

bedrest ka po, saka uminom ka tubig with lemon.. gargle ka din ng maligamgam na tubig at asin. i hope it works on you mommy 🙂

VIP Member

Pahinga ka lang po mommy. Tapos inom inom ng watm calamansi juice. Pag di na kaya safe po ang biogesic po.

Mag water therapy ka lang mommy

Trending na Tanong

Related Articles