ADHD or Late lang?

Turning 4 years old na ang toddler ko and sobrang nagwoworry ako. Speech delay siya hindi pa siya nakakapagsalita o nakakausap nang deretso pero may mga words naman siyang nasasabi nang maayos. Hindi siya nagrerespond kapag may tinatanong ako sa kanya at napakapili lang yung nasusunod niyang utos ko sa kanya. Sobrang jumbled pa ang mga usual words niya at hindi maintindihan. Bukod don, ayoko mang icompare ang baby ko sa ibang kaedaran niya pero napapansin ko na yung mga development dapat sa age niya hindi pa niya naaachieve and sobrang nagwoworry ako. Sa mga milestone na nandito regarding sa age niya, halos lahat hindi pa niya nagagawa. Malala na concern ko is yung tantrums niya. Kapag sinasaway siya, he tends to hurt someone or hurt himself. Sobrang hirap niyang ihandle kapag nasa public place siya kasi ganoon ang tantrums niya. Kahit gentle parenting ang iapply ko sa kanya, hindi effective sa kanya. Worried ako kasi turning 4 na siya this year at dapat next year maipasok ko na siya sa school kaso natatakot ako kasi may ganoong tantrums siya. Sobrang nahihirapan ako kasi baka may symptoms siya ng autism or adhd pero duda ako sa autism kasi my toddler responds to his name at may eye contact naman siya. Ano po ang masasabi niyo? Sa tingin niyo po ba may possibilty ang baby ko na madiagnose nang ganoon or late lang po talaga siya? #pleasehelp #advicepls

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

best to consult sa dev pedia kasi 4y/o na yan dapat okay okay na kahit paano ang pagsasalita at pakikipagcommunicate nya. ang tantrums usually common sa toddler kaso si baby mo wala na sat oddler yrs. preschool yr na.

Super Mum

if you can, best to have LO assessed especially you mentioned na may mga milestones/skills na hindi nya pa nagagawa for his age.