ANO PO SYMPTOMS NG SEIZURE?

Tumaob po kasi baby ko sa walker sa harapan ng bahay namin nauna po yung ulo niya at nagkaroon po ng gasgas. Pina check up ko po siya agad noong time na yon. Ang gusto po ng doctor ipa CT scan ko para makasigurado pero sabi ng mother in law ko iobserved nalang po muna namin kasi po sobrang baby palang po ng baby ko para maCT scan malakas po kasi radiation 7months palang po tsaka hindi naman po nagsuka, nawalan ng malay, nilagnat, nagbleed or nag seizure noong time na nahulog siya. Pero kinaumagahan po napansin ko po pagkapinapatulog ko, (kakatulog lang niya) bigla siyang iiyak na parang nagugulat/umuunat then matutulog na po ulit mga nasa 5-10 seconds lang po as in sobrang bilis lang tuwing pinapatulog ko siya ganon na po. Seizure po ba yon? Pano po malalaman pag seizure. Pahelp naman po mga mommy, gusto ko po siya ipa CT scan para mawala po yung worries ko at the same time natatakot po ako ipa CT scan kasi po months old palang siya malakas po radiation ng CT scan at Inborn po na iisang kidney lang po si baby ko. 🙁 #ftm

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

well as a mother like you,kung anu sa tingin mo ang tama at para mawala ang worries mo nid mo pa ct scan ang anak mo,mahal man o mura yan. baby man o matanda na.kasi d mo aman malalaman kng may masakit sakanila or wala hangat d mo nkkha un gsto mo sagot like i pa laboratory sya.d kta tntkot pero may kasamahan aq ganyan nhlog anak nia sa hagdan.then after a mth natlog lang ang baby nia d na nagsing. bec of that kz naging panatag sya na ok. kasi wala sya nkta symptoms kaya akala nia ok. pero d nia alam namuo pala un dgo sa ulo ng bata na un ang sanhi ng d nia pag gcng sa pgkktlog nia.

Magbasa pa
2y ago

I agree. Mas lalo pinapatalaga baka mas lumala pa. The doctor will not recommended something na di nman kailangan, syempre alam nya yung risk sa CT scan pero yung benefits na makukuha kapag may makitang mali sa result e magagawan agad nga gamot or solusyon. Kung walang makita mali salamat pa rin kasi safe baby mo at panatag loob niyo kesa nman wala kayong gawin ngpapanic talaga kayo.

Hello mommy. I’m a seizure patient, actually ang seizures may ibat ibang klase, normally tinatawag na “jerks” yung parang nagulat (or feeling na nalaglag ka. Atake na po yun ng seizure, yung pag uunat akala mo ganun lang yun pero atake din po sya. Pls follow ur doctor’s advice po para mas makampante kayo since mas alam nila ang mga ganyan. Iba’t iba ang seizures, minsan akala natin normal pero sa amin mga seizure patients, atake na yun. Seconds lang umatake si seizure, pero meron din gaya ko na kapag lumala; umaabot ng hours

Magbasa pa

Baka REM po yung biglang umuunat? May na observe ba kayo kakaibang movements yung conscious siya/hindi siya tulog? If you are suspecting a seizure episode e video mo po at ipakita sa pedia or doctor, most likely repetitive yung movements sa seizure maraming klase din po pwedi generalized (yung nangingisay parang epileptic) or localized part lang. Monitor in a week if naglalaway or nagsusuka kasi possible may internal hemorrhage https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/seizure/symptoms-causes/syc-20365711

Magbasa pa
2y ago

up dito. ung sa baby ko, ung mata lang nya na paulit ulit titingin sa,taas and nanginginig na labi. sobrang bilis lang and hindi mo napapansin not unless professional k

sa baby ko, cranial ultrasound ang nirecommend ni pedia. hindi magawa dahil umiiyak si baby at sarado na raw ang bumbunan. hindi nirecommend na i-CT. thank God, ok si baby. actually, hindi namin nakitang nahulog mula sa harang ng kama, mas mataas un. sabi ay nasambot ng guardian angel.

baka masakit ulo nung bumaliktad sya. at baka na truma po sya nami. observe mo 24 hrs to 3 days. at ask mo ang dr kung pede parequest ng cranial ultrasound since 1 lang kidney ni baby. baka hindi alam ng dr ang sitwasyon ni baby mo pero ang answer sa question mo hindi po ganun ang seizure

Agree ako dun sa Doctor,dapat pina-CT scan mo na para masigurado. Kung ako sayo di na ako maghihintay na may mangyare pa,lalo at baby yan di niya masasabi kung ano nararamdaman niya.

trauma po...Usually pag nag seizure kasi titirik yung mata tapos magsusuka ... 24hrs ang observation kapag ganyan ...

TapFluencer

Always follow your mom's instinct po.