Marriage Failed

Tuluyan na kami nag hiwalay ng asawa ko kasi nasaktan niya ako nung nag kasagutan kami. Ngayon umuwi na ako sa mga magulang ko. Pero araw araw para akong nawawalan ng buhay. May baby kami 7 months palang nasa akin yung baby ko. Hindi ako maka get over. Kahit sinaktan ako ng asawa ko mahal ko pa din siya. Gusto maging pamilya pa din kami. Pero parang wala lang sa kanya. Hindi ko alam ano na nangyayari sa kanya ilang araw na lumipas pero wala siyang paramdam. Parang hindi kami mahalaga sa kanya. Ang sakit sakit.

56 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis! Kmi din dati ganyan since sobra bata pa kmi nagasawa. Pag galit sya sinasalubong ko galit na galit din aq, ang ending nasasaktan nya aq kasi inuubos ko din pasensya nya kasi nga sinasabayan ko sya. Pero husband ko ndi nmn sya tipong pg lasing mananakit kgd out of nowhere matino nmn sya kht lasing sya pg lang tlga may pinagtalunan kmi. May 1 tym na feeling ko sobra na un panabakit nya e aq palaban aq nilayasan ko sya ksma baby ko. Ilang weeks din un as in walang usap usap hanggang sa sumuko sya nalulungkot sya kasi mlayo kmi sknya ng anak nya ayun nagbati kmi pero bngyan ko sya ng ultimatum na once ulitin nya ndi nq babalik pa sknya. Plus cgro nkatulong din family nya ksi alm nga nila nangyare sympre pinagsabhn din sya. Bka kasi sis sinasalubong mo din pg mainit ulo nya kasi aq ganon ndi pko mature non kya ndi din aq nagbibigay. And cgro since bata pa kmi at bago plbg nagsasama un temper nya ndi din nya kyang kontrolin. Pero kung mhal k tlg ng husband mo babaguhin nya tlg un at ndi ka nya at un baby nyo matitiis. Mlaking factor din ang parents nya at mga kpatid nya kung pinangangaraln c hubby mo na mali un ginagawa nya. Un lang sis peeo kng ndi nya kya baguhin sarili nya tlgabg kalimutan mo nlng sya for good. Ksi aq ang stand ko ndi aq pibalaki ng mother ko para gawing punching bag. Kya ndi tlg aq payag sa ganon. May respeto aq sa sarili ko kya dapat gnon din stand mo kht husband mpa yan pra matuto sya irespeto ka at isipin din un nararamdamn mo. Good Luck sis!

Magbasa pa

Hello sis ๐Ÿ˜Š palipasin mo muna. Tsaka wag mo hahayaan na sa tuwinG mag aaway kau ng husband mo sasaktan ka nya. Un dapat anG isaksak mo sa utak nya. Protect ur seLf. Wag maxadong maLambot sis. Kc kaya dumadami anG babaeng sinasaktan ng pauLit uLit ng mga lalaki. Mahirap anG mahiwalay sa asawa pro amG set ka nG limitations pwede mag away pero paG mananakit aba ibanG usapan nayan. Kami ng asawa ko mag aaway Lang pero kahet anOng away namen puro salitaan Lang. Kc sabi q paG aq nasaktan mo ibang usapan nayan. Love ur self and know ur self worth. PaG halimbawa nilapitan at sinuyo kana ng asawa mo bigyan Mo ng leksyon. Pahirapan mo. Hindi ung madali magpatawad. Kc paG nakitaan ka ng lalaki na madali kalang pala magpatawad kahet nasaktan ka naku sorry next time na mag aaway kau uLet sure sasaktan ka uLet.. Aabusuhin nyan anG pagiging maLambot mo... Ipakita mo sa knya na kayanG kaya mo na wala xa.. Mapapaisip yan.. Promise... Asawa ko dati iresponsable puro barkada iniwan Ko 1 year mahigit nilayasan Ko xa umuwi aq samen... Kahet anOng suyo nya. Dedma aq... Ngaun tumatak sa utak nya na hindi xa pwede sakin na magpapabaya samen kasi lalayasan ko xa agad... Never na naulit uLet un... FamiLy man na xa since non.. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
5y ago

I hope kahit na lumipas ang panahon mag bago siya at magbago din ako. Maybe we can still be a family like yours.

Pray ka mommy. Alam mo walang makakapagbago sa isang tao kundi ang Dyos. Mas matindi pa jan dinanas namin ng asawa ko. Although never nya ako sinaktan. Pero ung pinagdaanan namin super hirap. Naghiwalay din kami. Pero hindi ako nagpaligaw o nagentertain ng iba. Binuhos ko ang time ko sa anak ko, sa work at sa relasyon ko kay God. Kapag nahanap mo na ang sarili mo na kay God nakafocus, everything will fall into place. At sa maniwala ka o hindi, may mga pagkakataon na mararamdaman mong si God ang kumakausap sayo. Hingi ka lang direction from Him. Unti unti magbabago ang lahat. Panghawakan mo ung pananalig mo sa Dyos at pagmamahal mo sa pamilya mo. God knows what to do. Let go and let God. โค Nagkabalikan kami ng asawa ko at natuto kaming magpatawad sa isat isa, mas naging maunawain at mapagmahal. Ngayon ung matagal na namin hinihintay na biyaya ay binigay na. Im 6 weeks pregnant. God knows everything. Wait for His timing.

Magbasa pa
5y ago

Thank you sis. Nag dadasal ako araw araw. Kapag nag dadasal ako nawawala yung sakit sa loob ko pero kapag may ginagawa ako minsan bigla ako matutulala at maiisip ko asawa ko. Ang sakit at ang hirap para kasing nawalan ako ng kakampi, kasama, kaibigan, lahat lahat. Alam mo yung okay kami ng asawa ko nag umpisa. Naging mundo namin ang isat isa pero sobrang daming pag subok at unti unti parang hindi na namin kilala yung isat isa. Puro nalang kami away. Hanggang humantong na nga sa sakitan. Hanggang ngayon wala na akong balita sa kanya. Nakaka iyak pa kasi binlock ako ng lahat ng pamilya niya sa FB. Nung una pa man ayaw na nila sa akin. Lalo tuloy akong nawalan ng pag asa. Naawa ako sa anak ko. Kasi hindi man lang nila inisip kadugo din nila yung bata. Parang pakiramdam ko dapat nilaban ko yung pamilya namin. Kaso sinaktan ako ng asawa ko ee. Parang ako nalang ang lalaban sa wala.

maamsh ganyan din po nangyari sa kuyabko at asawa nya, matinding unos. ng buhay pamilya nila.. yung babae naman po yung nanakit at kinagat kuya ko kaso duda lagi kay kuya na may babaw kahit wala (feeling ko pp post partum depression) tapos inawat ng kuya ko, nagkapasa sya, dinala kuya ko sa womens desk.. gusto na sya ipakulong ng fpamilya ng babae tsaka ng sister in law ko, buti pp yung pulis hindi pumayag na ikulong muna agad at pinag isip isip yung family in laws namin, then yung parents namin di pumayag maghiwalay sila sa halip help nila kuya ko at asawa nya na maayos marriage mila at family nila.. ngayon po 4 years na silang ayos. pray ka po maamsh at huwag padalos dalos. pwede naman magbigay swcond chance. mag usap po kayo.. wag kau magsigawan. kapag may sumigaw ibig sabihin ayaw maayos marriage nyo. god bless po

Magbasa pa

May ganyan talaga parang kapatid ko kahit ilang beses na syang niloko at nag kaka sakitan na sila pinapatawad nya parin kasi mahal nya nga pero ang ending ganun parin nangyayari saknila lagi laging away konting bagay nag iisip sila ng masama sa isat isa kasi nawala na yung trust. Pero gusto nya parin makasama eh minsan dinadahilan nya nalang para sa mga bata pero sa nakikita para saknya kasi mahal nya talaga at di nya kaya mawala kaya sabi ko saknya kung ano problema nyo wag kanang nag susumbong samin kasi ikaw nag desisyon nyan ginusto mong patawarin tas mag susumbong ka na naman tas ano mang yayari papata2arin mo rin๐Ÿคฆ

Magbasa pa

there's no perfect marriage, lahat ng-aaway, dumadaan sa challenges, minsan naghihiwalay din pro dapat alam nyo pano ayusin ulit. nung bago din kmi ng asawa ko nghiwalay kmi ksi ngAway sila ng tatay ko, dun kami nkatira samin, umalis asawa ko sinasama ako pero di ako sumama, bakit? Ayoko mgmukhang tinalikuran ko magulang ko, so mgkahiwalay kmi ng asawa ko ng bahay pro my communication, finally after 3mos nagkaron ako lakas ng loob na sundan sya..13yrs n kmi, daming away na halos mghiwalay n tlga kami pero andito pa din lumalaban. ganun lang, dapat pareho kayo lumaban, pag isa nalang lumalaban, dun nauuwi sa hiwalayan

Magbasa pa
5y ago

baka need nyo talaga mghiwalay muna sis, baka sakali marealize nya anong nawala sa knya. For you, tama na umuwi k sa magulang mo. Be strong, pasasaan ba't malampasan mo din yan ๐Ÿ˜Š

Ang mga lalaki pag nasanay na sktan ka uulit ulitin nila lalot pag nkikita nilang hndi ka lumlaban, tama lang po gnawa mo sis na umuwi ka muna sa mgulang mo hayaan mo muna sia mag isip, wag mo din muna sia kausapin hayaan mo na sia unang sumuyo sayo for sure naman hndi rin yan makaka tiis, pero pag sinuyo kana nia wag naman agad agad na sumama ka sknya. Mg pakipot kadin ๐Ÿ˜Š para naman ma challenge sia katulad ng panliligaw nia sayo dati at bigyan mo din sia ng ultumatum at mga kasunduan na hndi na dpat maulit yung gnawa nia sayo. Yun lang. God bless sayo momsh! Fight fight lang. ๐Ÿ˜‡

Magbasa pa

Stay strong mommy.Failure man ang marriage mo,look on the bright side of everything. Maraming nagsasama na d masaya at maraming failed marriages na maganda naman ang naidulot sa huli. Maybe test yan sa iyo ng Diyos para subukin ka at para maiparealize sa'yo na d lahat ng bagay pwd sa lahat... Isipin mo nalang na lilipas dun yan, sa una lang yan mahirap pero sa kalaunan maiisip mo nalang na mas mainam na naging ganyan ang nangyari. May purpose ang lahat ng nangyayari, maaaring blessing in disguise ang nangyari sayo. I pray na sana maging strong ka palagi para na din sa baby mo. โค๏ธ

Magbasa pa

Konting tiis po mommy..pag mahl at mhlga kau s knya kukusa po tlga xa. Mhrp nmn po na kpg ikaw mauna n makpg ayos lalo p nsktn k nya. Dhl malamang s malamang uulitn at uulitn nya yan sau o bka mas p. Mgnda matuto muna po xa sa pagkakamali nya matauhan pra d n umulit na makapankt sau..kung hnd man po nya ayusin ang sau wag k mag alala dhl mdami p at may tlgng nkalaan sau jan. Focus k muna k baby mo. Pakita mo sknya na kht wla xa kaya mo. Ikaw mismo magpamuka sknya n worth kang babae at d basta basta pra mphlghn k nya balng arw. Gudluck mommy kaya mo po yan ๐Ÿ˜‰

Magbasa pa

Nako sis imbes na si baby mo isipin mo eh yung asawa mo pa na nanakit sayo di pa naman katapusan ng mundo yung pagmamahal mo sa asawa mo sa baby mo ituon ibuhos kawawa naman si baby pagganyan ka kung kayo talaga para sa isat isa mangyayari na magkakasundo kayo na pupuntahan nya kayo dyan kung hindi naman kayo at wala parin syang ginagawang moves para magka-ayos kayo siguro dapat mo na syang pabayaan ang isipin at intindihin mo si baby mo.

Magbasa pa