Just Asking
totoo po ba bawal magpagupit ng isang taon after giving birth?
may nagsabi saakin non hnde nman totoo yon. pero aq non nag pagupit naaq non hnde paaq na nga2nak kc sabi ng Mama ko 1 week bago maligo ng banyos daw ung dahon dahon ba halaman gamot at hihilotin aq ng mang hihilot saamin para hnde daw aq mabinat.
tapos sabi ng Mama ko maiinit daw pag hnde aq nag pagupit ng buhok kc 1 week yon puro punas punas lang kc aq non bawal daw maligo kc Normal daw aq baka bigla nalang daw aq manginig at mag kulaps daw
Hindi naman po pero mga paniniwala ng matatanda yan..mahirap na pag sinuway ikaw pa mukang pasaway..😊😊
Pwede po magpagupit. Lalo na po pag naglagas ang buhok gupit lng mawawala paglalagas. Ganun po ginawa ko.
Hindi naman po sguro. Gusto ko nga magpagupit pagkatapos ko manganak 😂 sobrang init na po kasi hayyy
Ako nun sa panganay ko mag totwo months nagpa rebond and pagupit na ko babalik na kasi ako ng work e 🤣
Kasabihan, Balak ko nga magpagupit ulit pag nakapanganak ako. mga 3 months siguro kapanganak ko.
No po . ako nga ginupitan na ako ng asawa ko nunh 3 months n ni baby kc sinasabunutan n nya ako
hindi po siguro kaya sabi bawal kasi may postpartum tayo e naglalagas ung hair ganyan
ako nga 2 weeks palang nanganak nagpagupit na e hahah buhay pa naman ako ngayon. 😂
Mother of baby matthew