Ask the Expert: Proteksyon ni Baby Laban sa Ubo't Sipon

Topic: Proteksyon ni Baby Laban sa Ubo't Sipon Date: Thursday, December 14, 2023 Time: 1:00pm to 3:000pm I am Dr. Jasmin Suleik, a General Practitioner of KonsultaMD narito matulungan kayong mga Mommies, Daddies, Parents to guide you in making sure baby is kept healthy and protected sa kumakalat na virus tulad ng pneumonia. At anong gagawin kapag siya ay nahawa o nagkaroon nito. Sasagutin ko ang mga katanungan ninyo ukol sa: Symptoms and Signs of Pneumonia in Babies Difference between Pneumonia and the Common Cold Remedy for Common Cold Remedy for Pneumonia When to Bring Baby to the Doctor When to Rush Baby to the Hospital How to Prevent Baby from Getting Sick ASK your questions and we will answer you here in the Q&A comment section below. #AskTheExpert #AskTheExpertPH #theAsianparent

Ask the Expert: Proteksyon ni Baby Laban sa Ubo't Sipon
80 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yung 7mos baby ko suki kami ng pedia kasi every check up pinapalitan ang gamot sa sipon at ubo😖 may history si baby ng pneumonia (4mos) pero cleared na daw. ngayon may ubo at sipon naman tiki2 kami pero ngayon naging ascorbic acid na. Q; 1. pwede po ba ipagsabay ang ascorbic at tikkitiki? 2. may mga herbal po ba na pwedeng ipalit sa antibiotics ni Lo na may ubo at sipon? (natatakot na kc ako na ma immune sa antibiotic ang katawn ni LO) 3. When Feeding my LO (mix f) pagkatapos nya makadede bakit po kaya may tunog sa ilong o lalamunan (not sure) ang tunog parang may sipon. Hindi po kami naka higa mag feeding/hindi ko din hinihiga pagkatapos ng feeding. pinaburp dn after feeding pero hindi may tunog na parang sipon parin every feeding. ano kaya yun Doc and what should I do. 4. Anong ibigsabihin kapag may sipon c Lo at lumuluha kahit hindi umiyak. (like; kahit nag lalaro lng biglang tulo ng luha) salamat in advance doc

Magbasa pa

Mag 10 months old na po ang baby ko this month. Nagkaroon sya ng ubo last week of October, pinag anti biotic ng pedia, nawala ng 1st week of Nov. Mga 3 days after mawala, nagka ubo at sipon ulit sya. Binalik ulit namin ki Doc. Pinag inhaler sya salbutamol for 5 days at adeflo for 2 weeks tapos nakamaintenance sya ng adeflo for 90 days once a day, until now may ubo pa rin sya pero paisa-isa di na tulad ng dati. Nauubo sya pag tawa ng tawa or umiiyak. May plema po ang ubo nya. Tapos ngayon may sipon ulit. Bakit po kaya di nawawala ubo nya at plema? Di pa namin nadala ulit ki Doc. Sabi sa center baka allergy lang daw at sa panahon din na pabago bago kaya pinapainom ng cetirizine drops. Masigla din po sya. Ano po ang dapat gawin para mawala na ng tuluyan ang ubo nya na may plema? Thank you po.

Magbasa pa

Hi doc. yung baby ko halos every month inuubo at sipon. pinacheck up ko sya last month at niresetahan sya ng gamot, meron yung ininom nya ng 2weeks. sabi ng pedia, ibalik ko daw sya after 2weeks if may ubo pa sya kasi baka may weak lungs sya. pero nung 2weeks na yun wala na yung ubo nya kaya hindi ko na sya binalik. after 3 or 4weeks may ubo na naman sya. nagwoworry ako kasi panay na sya gamot at antibiotic pa. may vitamins din naman sya isa pang umaga at panggabi. ano po dapat kong gawin? or may maisusuggest po ba kayo na vitamin na pampalakas ng resistensya? marami na kaming nasubukan na vitamins nya at nagpapareseta pa kami sa pedia pero every month nalang sya inuubo.

Magbasa pa

Doc jasmine ask ko lang po nagpacheckup kami last monday dahil sa halak ni baby, nagkakaroon lang po sya ng halak every after po nya magdede napapaburp naman po namin sya, wala po sya ubo sipon o lagnat yung halak lang po talaga then nagpacheckup po kami, chineck po sya ng pedia clear daw po yung sa likod nya nung chineck yung sa harap may konting crackles daw po na narinig niresetahan po agad sya ng antibiotics co amoxiclav and yung salbutamol po tsaka nss 50cc. tama po ba kaya yung binigay na gamot sa kanya kasi antibiotics agad po di naman po sya inuubo sinisipon o lagnat.

Magbasa pa

hello po doc. may kulani po sa leeg ni baby ko matagal napo to since 3 months old po siya and 1 yr old na siya ngayon. napa check namin to nung din 3 months old siya sa pedia kinapa naman ng Pedia niya at sinuri sabi niya di daw dapat mag alala mawawala din daw yun peru umabot na kasi ngayon na 1 yr old na siya. at chini'check ko pa minsan² feeling ko lumaki ng kunti yung kulani. possible po ba na may plema sa lungs niya? hindi naman po Siya inu ubo pa minsan² na babahing lang siya at sinisipon peru nawawala naman din agad. nakaka worry na kasi Doc.

Magbasa pa

hello po. 1 month and 14days na po si baby, nagka ubo po sya at minimal sipon, nakapag gamot na po sya pero parang bumalik po ulit ubo nya pero d katulad nakaraang linggo, ung ubo po nya is dry nauubo po sya after iyak nya minsan naman while sleeping naubo pero 1-2x lang , then lagi din po sya nagkakaroon ng kulangot normal lng po b un? minsan din po kasi may time na parang may sounds ung pag hinga nya pero d naman po palage. normal lng po ba un? nakakaworries po kasi lalo na at 1month old palang ang babies. salamat po.

Magbasa pa
TapFluencer

Doc yung anak ko madalas nasa school, kalaro din niya madalas mga pinsan niyang bata. Anyway, parang this whole year nagpapasa-pasahan lang sila ng sakit. Para bang sila ang supplier ng sakit sa isat isa. Di nman namin mailayo kasi school syempre tas yung isa naman family talagang magkikita't magkikita. Bakit ba parang never ending ang pagkalat ng mga sakit nagyon? Bakunado naman silang lahat. Kumpleto pa sa vitamins and malalakas kumain. Ano pang pwedeng gawin to improve yung immune system nila?

Magbasa pa

Magandang Gabi po Dra. 7 months na po ang l.o ko, baby boy po siya. nung 3mos. po siya isang buwan po kami sa hospital dahil sa amoeba, uti. Ok na po siya ngayon. Pero nito pong nakaraan at ngayon humihinga po siya ng malalim. pero minsan lang po. hihinga po siya mga 5x na parang hinihingal, tapos umuubo ubo po paminsan minsan. nung isang araw po tinubuan po siya ng mga pula pula sa mukha, braso at paa tapos may maliliit po na bilog bilog sa mukha niya. Pero ngayon medyo wala wala na po.

Magbasa pa

doc, naconfine po kc baby ko ng 8 days due to neonatal pneumonia.naclear nman lahat bago kme umuwi nung tuesday..kaso pagdating namin ng bahay, barado nnman po ilong nya.. pinacheck ko po sa pedia kahapon, meron daw po syang laryngomalacia..mas nagiging worse yung paghinga nya pag barado ilong nya due to sipon.. ano po kaya pwede kong gawin sa sipon nya..21days old palang po si baby..

Magbasa pa

hai dok. bka pwede maisingit nauntog kahapon ung anak ko 2times Po pero parang out balance nka upo xia natumba un nauntog delikado ba un dok. peo ok nmn xia malaka dumedede nkikipaglaro hnd Naman nagsuka. pero kinagabihan hnd makatulog dala ng sinisipon at may Kasama ng ubo tpus may sinat xia may cause kaya un sa pag ka untog nia kagabi dok. salamat!

Magbasa pa