7 Replies

Actually po, di po natin alam ang itatakbo ng pregnancy natin.. Ang CS po kasi nangyayari dahil sa maraming factors po. 1. Okay ang cervix mo pero si baby ayaw pumwesto kahit kabuwanan na (breech or transverse) 2. Okay si baby nakapwesto na, pero si cervix mo di nagrerespond ng maayos para lumambot o bumuka 3. May heart problem ang nanay na pwedeng makacomplicate if magnormal delivery 4. Hindi sakto ang pelvic opening sa ulo ni baby (disproportion na tinatawag) 5. Okay lahat bumuka l, lumambot ang cervix pero masyadong malaki si baby para ilabas vaginally. (na madalas po sa mga mag diabetes na nanay). kaya inaadvice po na hinay hinay sa pagkain. 6. May eclampsia o pre eclampsia ang nanay na pwedeng makaendager sa baby at sa nanay 7. Biglang pagputok ng panubigan kahit di pa kabuwanan 8. Si baby ay may cord coil Basta po, maraming factors Sis.. iwasan na lang ang mga bagay na makakasama (overeating ng unhealthy: sobrang intake ng matamis at maalat), at regular na magpacheck up lagi. Magdasal po at kausapin si baby. Always be positive, avoid stress..

yes di mo masasabi. ako nun malapit na ics kasi ayaw bumaba ni baby pero awa ng Diyos bumaba sya. yun pala kaya d makababa cord coil si baby kaya pagkaanak ko nilagyan agad oxygen baby ko.

TapFluencer

Common na yung proper diet at exercise na tips sa buntis. But you'll never no kung anung mangyayari during labor. Ako ang alam ko kaya ko ng Normal delivery, kaso pag yung katawan mu nagsabi na hindi walang magagawa kundi ma CS. Emergency CS na ako kasi inabot na ako ng 24hrs. sa delivery room, hindi na nagdilate yung cervix ko gang 4cm lang. Tapos tumataas bp ko kpag merong pampahilab kahit na during ng pregnancy ko normal lahat ng bp ko. Buti nalang mas pinili ko sa hospital manganak.

sakin with lots of exercise and healthy foods 2.8kg lang si baby pero na CS pa din ako kasi nauna panubigan ko at hindi ako nag labor kahit may gamot na kaya yun ECS after 5hrs waiting kasi delikado sa baby baka maubosan ng tubig. Plan ko normal pero iba plano ni baby kaya take it easy do the things you love lang ang just relax kaya mo yan!

tuloy2 po yung agus ng tubig that time mamsh kaya ECS na 5hrs waiting na mag labor ako. after na ECS nag stay kami ng another 7days kasi nagka infection si baby ng dahil sa panubigan so 7days gamotan antibiotics siya. hindi ako nananakot or what so ever pero ganon talaga ang panganganak mamsh di mo maplano talaga ahead kasi malalaman mo nlang sa big day na ni baby.

siguro iwas na lang po sa mga pwedeng mag cause ng complications? iwas sa sweets para iwas lumaki ng sobra si baby. iwas sa salty para iwas sa mga manas manas. iwas sa makakapagpahighblood. ganyan. but you can never tell talaga if you will give birth via cs or normal eh.

hmm. no one can tell until you are about to give birth. yan sabi ng ob ko. you may do whatever, syempre lahat ng pag iingat sa iyo at sa baby mo, but you will never know kung cs o normal ka until manganak ka.

Ingat na ingat po ako before sa mga kinakain ko lalo na sa ikakalaki ni baby. Kaso ang ending Cs pa din kasi bumaba heartbeat ni baby. I guess, no one knows kung ma CCs ka or hindi.

VIP Member

Wala talaga mi. Kausap ko din ob ko yesterday and sabi nya nga naka depende daw talaga yan sa magiging takbo ng paglalabor mo. Sobrang daming factors na pwede iconsider kasi.

Trending na Tanong

Related Articles