HOW TO MAKE EXCLUSIVE PUMPING WORK FOR YOU
Tips for exclusive pumping (EP) mommies. I was an EP mom for 25 months sa eldest ko. Maraming nagsasabi na "a pump is not as effective in milk removal than a baby's latch". Pero sa aking personal experience at sa mga na witness ko sa exclusive pumping group, maraming mommies ang nagawang makapagbigay ng breastmilk lagpas pa sa 2 years. Direct nursing is always the best pero kung nagawa mo na lahat ng paraan at hindi mo talaga ma-achieve, exclusive pumping to provide breastmilk is the next option. Paano ba maging successful dito? 1. You need to pump at least 8x a day. Round the clock sa simula na nag decide ka na magpump. FAQ: Nagpa-pump naman ako ng 4-5x a day, sakto naman ang nakukuha ko kay baby. Ok lang ba na 4-5x a day lang? Kung hindi ka pa regulated (hormone regulation), it is better na magpump ka ng may excess kesa sa sakto lang sa need ni baby DAHIL AFTER hormone regulation, usually 6-12weeks nangyayari, normal na may drop sa supply. Possible na yung amount na nakukuha mo sa pumping 4-5x a day ay dahil sa hormonal boost pa before regulation. Kung nag start ka as enougher, pwede ka mag undersupply after regulation. Sa experience ko, nag drop ako ng 300-500mL nung nag regulate na ako PERO SOBRA PA RIN SA NEED NI BABY dahil I was able to train my body na mag oversupply. FAQ: After milk regulation pwede na ba magbawas ng pump sessions? YES, kung after regulation ay sobra-sobra pa rin ang gatas mo pwede ka na magbawas ng pump sessions one at a time. From 8 pumps, gawin mo munang 7pumps a day for 1-2weeks then observe kung sobra pa rin or enough. Kung sobra pa rin, try bawasan ng dahan-dahan hanggang sa makuha mo yung amount na sapat sa gusto mo. Huwag biglain ang pagbawas ng pump sessions dahil kung mag undersupply ka, you need to pump more again para mabawi mo ang supply mo and it may take 1-2weeks. In my experience as OVERSUPPLIER, 6 months ako nag regulate. Oversuppliers may regulate between 6-9months. 2. Always check your pump parts and suction pressure (300mmHg). Palitan sa takdang oras ang parts ng pump at ipacheck ang suction pressure ng motor every 3 months. Walang forever sa pump. 3. Always have a BACK UP PUMP kahit manual lang. Pero tandaan na kung EP ka, DOUBLE ELECTRIC PUMP IS THE BEST dahil ang pag pump ng dede ng SABAY ay nakaka increase ng milk output by 18%. Walang forever sa pump kaya pwede ito masira naturally or by accident na nahulog mo siya. Sa EP, PUMP IS LIFE TALAGA!π Dapat marunong ka rin mag hand express in case wala ka talaga pump. In my experience as oversupplier, matagal masimot kapag hand express kasi one breast at a time compared sa double pump na sabay agad ang dede na-drain. Kaya ang convenient sa akin, as working mother na may 40minutes lactation break lang sa trabaho ay pumping tlaga. Sa hand expressn inabot ako 30minutes, sa pumping ay 15minutes lang ako. 4. DO NOT STOP PUMPING kung WALA NA NATULO NA GATAS. Stop only kapag EMPTY/SIMOT NA ANG GATAS SA DEDE. In my experience, 15minutes na pumping simot na simot na ako pero may ibang mommies na inaabot ng 30 minutes bago masimot. Kung hindi ka pa simot, kailangan mo stimulate ang dede mo for MORE LETDOWNS. Para maka kuha ng another letdown, press stimulation mode or massage mode button sa pump. Empty breast makes more milk. 5. Make sure correct ang flange size. Pwede magbago ang flange size mo kaya check mo ito every 3-6months. 6. Alamin ang tamang timpla ng suction level para sayo. Hindi dapat masakit. Too much suction pressure may damage your breast tissue. Kung super hina naman ay pwede ka magka clogged ducts dahil hindi makalabas ang gatas. You can hand express after pump para masimot mo pa. 7. Huwag hahayaan na umabot ng 4 hours na hindi ka nakaka-pump lalo na kung undersupplier ka or kung hindi ka pa regulated. Yes mapagod at mapuyat but this is important to establish and maintain your supply in the long run. 8. Kung extreme undersupplier ka, aim to start pumping 12x a day. 9. Oo paminsan-minsan nakaka miss ka ng pump sessions lalo na sa oras ng trabaho kung busy, kaya bawian mo ng power pump sessions pag uwi. Minsan lang maka miss ha? Huwag naman araw-araw.π Mas helpful ang pumping with the right intervals kesa sadyain mong wag magpump ng mahabang oras at mag powerpump nalang. Kapag mahabang oras ka walang pump (more than 4hours), tatagal si FIL sa dede mo at mag sisignal ito na pahinain ang gatas mo. 10. Invest sa pumping bra, para may chance ka mag multitask habang nagpa-pump. It saves time, too. Pero may mga mommies na mas maraming output kapag hawak ang flange while pumping versus using a pump bra, kaya subukan mo alamin saan ang mas helpful sayo. Breastfeeding is hard but PUMPING IS HARDER! Pero walang imposible kapag alam mo ang kailangan mong gawin at DETERMINADO ka na magawa ito. π ctto #themagic8mommies