Single Mom in the Making

Tinalikuran ng bf ko ung bata nung nalaman nyang buntis ako. Di nya daw aakuin ung bata. I was 5 months pregnant that time. Pero di totally naputol ung communication namin. Kahit pinagmumumura ko sya. Minamaliit ko pagkalalake nya. Pati pagkatao nya. He was there. Pero minsan nawawala wala sya. Once 4 days, then tumawag, asking if I was doing good, ung health ko. Then one time di sya nagparamdam ng 1 week. I just let him. Tinitiis nya daw ako. Kaso di nya daw kaya. Then naging okay ulit kami. Nagkita. He showed so much love and care. Binigyan nya pa kong pera pambili daw ng gatas ko. Binili nya lahat ng food na gusto ko that day. Pero di namin napag usapan ung tungkol sa pag ako nya sa bata. Kapag tinatanong ko sya about sa status naming dalawa he became uneasy di nya masagot. Hindi nya pa daw masagot sa ngayon. And I cant stand it. Ayoko magmukhang tanga na umaasa someday na magiging okay kami. He's leaving me hanging in the middle. Tinatry ko namang iwork out ung ganong situation pero di mapakali ung utak ko e. I dont want to settle in that situation. He shows he cares, palagi nyang pinapaalala ung gatas ko. Na kumain ako ng mga gulay at prutas. Sabi nya magfocus daw muna ako sa health ko at sa bata. Pero nag aaway talaga kami pag nagtatanong na ko tungkol sa relasyon namin. Ngayon nag away na naman kami. Tinanong ko sya kung mahal nya pa ko. Ayaw nyang sagutin. Napaparanoid ako. How come na hinahayaan nya kong matulog wondering if he stilll loves me or not? Any advise on what should I do? If ever na akuin nya ung bata, papayag ba ko kung hanggang sa bata na lang? Gusto kong ipagdamot ung bata sakanya if ever. Tanggap ko na din naman ung ginawa nyang pagtalikod at di nya pag ako sa bata. Please help me. ? 7 months na ko ngayon. TIA!

58 Replies

kampante. kampante siya masyado. Try mo ikaw naman ang hindi magparamdam. Know your worth and the baby. Try not to update him. Don't talk to him. If u want to reply,then give him cold replies.. Iparamdam mo sakanya kung ano sinasayang niya.

aq momsh, soon to be single mom rin. di raw kaya panagutan for some reason and he even said na ipalaglag na lang kaya. pero syempre ako big No yun. the moment na sinabi nya yun, nag decide na aq na kakayanin ko to ng walang tulong niya.

Baka nasa state of shock pa sya momsh. Yung parang di nya pa alam pano gagawin nyang decision. Maybe he wanted to have a kid and maging dad. Kaso di nya alam pano nya gagawin or nag iisip sya about the responsibilities and risks.

Hayaan nyo lang po sya baka hndi talaga sya vocal..kasi sa pinapakita at pag mamalasakit naman nya nkikita na dun yung love ayaw lang nya pag usapan? Baka nahihiya? Don't ask nalang muna kasi ikaw din naman na sstress ..hehhe yun lang

I wish I could do that. I tried not to ask. But once it hits my head hindi na ko titigil hanggat di nya ko sinasagot in any form. My head's messed up.

Iwan mo na. Ang obligasyon sa anak di yan sapilitan kasi in the first place kung gusto at willing talaga sya magkukusa yan. Don't beg, know ur worth. Di lang ikaw ang single mom dito. Focus on yourself and sa baby mo.

Ang importante mamsh concern sya sainyo ng baby mo .. Bigyan mo nalang sya ng panahon para magdesisyon. Wag ka lang papayag na di ka nya suportahan. Wait mo manganak ka baka magbago pa isip nya.

Mahal ka lang ng bf mo mommy pero di ang anak nyo. Mas okay naa po siguro ng wala na kayong communication kasi naistress ka lang sa nangyayari eh. Kawawa naman ang bata. Always keep safe.

sis unahin mo ang kapakanan mo at ni baby.kayanin mo mag isa at wag umasa kasi baka mag decide yan na talikuran ka at least kya mo sarili mo at si baby.keep praying po.Godbless

Sa bawat tanong mo pa nga lang di na makasagot kung mahal ka niya talaga dapat di siya papayag na ganyan status niyo parang he show care para kay baby nlng. Fight lang po 💪

Kya nga sis ngaun pinipigilan ko nlng galit ko kc ang bilis ko umiyak naaalala ko c baby kya c bhala na ko.ok nlng ng ok,takot din nman sya.lalo n ngaun dami ko iniinda

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles