Yes sis. Pakonti konti lang para di mabigla sa gastos 🙂 Prioritize mo bilhin ung mga kailangan ni baby. Yung talagang magagamit paglabas nya. Mainam yung pakonti konti magugulat ka nalang nakumpleto na needs nyo mag ina 😊
Yass mahirap talaga. May work po ba si hubby? If meron, advice lang 🙂 every sahod sis magsingit ka bumili ng baby essentials. Kahit padalawa dalawa basta pasok sa budget. Yung talagang magagamit nya pagkapanganak, wag ka muna bumili nung mga gamit na di pa nman need para di mabigat sa budget. Yung newborn clothes naman, if meron pinaglumaan sa family nyo hiram nalang muna. Para di na bumili kasi saglit lng naman magagamit yung mga baru baruan e. Mabilis kalalakihan if bibili pa. Praktikal hehe 🙂 Basta ipriotized mo lang mga basic needs para makapaglaan ka pa ng pera para sa panganganak mo. Then pag nanganak kna, ganun ulit. Every sahod continue mo lang pagsave para may madudukot ka pambili ng needs ni baby pag kinakailangan 😊 God bless 😇
Anonymous