Baby Finally Out. Sana all no more

Theodore Uziel D. Reyes Delivery via: NSD at 37 weeks and 5 days Weight: 7 pounds EDD: Dec. 27, 2020 DOB: Dec. 12, 2020 at 5:50 PM Labor: 14 hrs Delivery: 3 hrs Gonna share my experience ☺️ Dec. 8, 2020 - pumutok na pala panubigan ko akala ko ihi lang Dec. 10, 2020 - nagpa ultrasound kami para malaman position ni baby. Sabi ng ng sonologist kunti nalang daw panubigan ko which is delikado kay baby. Dec. 11, 2020 - pumunta kami sa obgyne to have a consultation. Sabi niya 3 cm nako dapat ko na daw ilabas si baby kasi kunti nalang panubigan ko tapos ang laki pa ni baby. Malaki daw siya for a 37 weeks. There is also a possibility na ma cs aki. Nagpa swab test muna ako. Umuwi muna kami samin para kumuha ng gamit. Nag bleeding ako ng kunti. Nataranta ako kaya dali² kaming pumunta sa hospital. Nakarating kami around 10 pm na. Andaming pasyente kaya di ako na accomodate agad². Dec. 12, 2020- at exactly 12 AM. Chineck na ako ng doctor. Ina-IE agad ako still at 3 cm. Chineck heartbeat ni baby, normal lang din. Nilagyan ako ng antibiotics through dextrose tapos ininduce narin. All through out the 14 hrs wala akong ibang naramdaman kundi sakit ng labor, di ko na alam ano gagawin ko. May time pa na nahihirapan akong huminga na parang mawawalan ako ng malay. Nag pray lang ako ng nag pray na sana maayos lang ang lahat at makaanak nako. Ang sakit pa kapag ina-IE ako. Last cm ko 6 stuck ako diyan kaya ginawa ng doctor siya na nag tear ng cervix ko tapos hinila si baby pababa sa loob para madali ko lang ma-push di kasi ako marunong. Sa loob ng 3 oras nahihirapan akong ilabas si baby. Putol² yung pag deliver ko sa kanya kasi malayo pa siya sa cervix. Kaya ginawa ng doctor hinila hila siya pababa. Malapit nakong umayaw gusto ko magpa cs nalang pero sabi ng doctor maraming naka linya para sa cs tapos isa lang yung operating room nila baka bukas pako ma cs tapos delikado na si baby. Kaya ginawa ko nagpush ako ng nagpush. Tinulongan pa ako ng ibang doctor, yung isa nagperform ng fundal push sakin, yung pangalawang doctor nag instruct sakin ng proper pushing and breathing, pangatlong doctor siya yung humihila kay baby pababa, pang apat na doctor pinisil pisil tiyan ko para humilab. Salamat sa Diyos at sa mga doctor na tumulong nainormal delivery ko si baby. But due to lack of water for 4 days nag undergo si baby ng antibiotics for 7 days. Naiwan siya sa hospital nauna akong ma idischarge Dec. 20, 2020 - na discharge na sawakas si baby. Super healthy niya 😊 Early Christmas gift from God to me ☺️ My kind of Shopee 12.12 mega sale 🤣 #theasianparentph #firstbaby #1stimemom

Baby Finally Out. Sana all no more
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

congrats!!!