Baby Ryleigh Zev

Thank God ! Nakaraos na rin. ! 38 weeks and 3 days. via Normal Delivery EDD: May 4, 2021 Just want to share my experience. Medyo mahaba po. April. 22, naglakad pa kami sa umaga after maglakad nagzumba pa ko. Zumba for pregnant. Sabi kac ng ob kunting tagtag pa lalabas na si baby. 3:00-5:00pm sumasakit na ang balakang pero nawawala din kaya nag observe muna ako kung magtutuloy tuloy ba ang sakit. 5:20 naglakad lakad ulit ng 30 minutes then zumba ulit. Para magtuloy tuloy na talaga dahil gusto ko na talagang makaraos. 7:00pm balakang at puson na sumasakit may interval na rin ang pagsakit pero keri pang tiisin. 8:00pm pumunta na kami ng lyng in, pag IE sakin 4-5cm na ako kaya na admit na rin ako. Nag insert ng eveprim para mapabilis ang paglambot pa ng cervix ko. 10:00pm IE ulit 6-7cm at nag insert ng eve prim ulit. Super sakit na ng balakang at puson ko. Paikli ng paikli ang interval. Feeling ko ang sakit ng labor na yun walang katapusan, grabe feeling ko mahihimatay na ako sa sakit. Yung tipong di ko na alam paano i-handle ang sobrang sakit. Sobrang nanghihina na rin ako. Pray lang ako ng pray at kinausap ko na rin si baby. 12:30 last IE 6-7cm pa rin insert ulit ng eveprim. Nung pinapasok na ako sa delivery room, 30 minutes pa bago pumutok panubigan ko. Dinasalan ako ng ob habang umiire kasi kitang kita niya na nahihirapan din ako. Bawat push ko iniisip ko na gusto ko ng makita si baby kaya pag sinabi na push, pinush ko talaga hanggang sa kaya. 2:21am lumabas na si baby. Habang tinatahi nakatingin lang ako kay baby ko hindi ako makapaniwala na sa wakas nailabas ko din siya ng safe. Kahit na ramdam na ramdam ko yung bawat tusok ng karayom at bawat hila ng sinulid pero nakatingin lang ako kay baby habang sinusukat at tinitimbang siya wala na akong pakialam at pakiramdam na tinatahi ako ng ob. Goodluck sa mga momsh out there na malapit na rin makaraos. The best talaga ang prayer at kausapin si baby. 🙏🏻🙏🏻 #firstbaby #1stimemom

Baby Ryleigh Zev
55 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

congrats po momshie! ang cute po ng baby mo po! sana ako rin next month na po kasi sa akin! I hope ma deliver ko po ng normal and healthy ang baby ko! pray to god lang ako always! 🙏☝😇

Magbasa pa
4y ago

thank u po. Yes po pray lang po 🙏🏻

congrats po mom ...ako po 38 weeks and 3days now medyo masakit po sa puson at balakang ..edd ko May 8 via center may 14 naman po via ultrasound

4y ago

mukhang malapit ka na rin po makaraos momsh ☺

congrats momsh Sana makaraos na din ako nong 23 2cm na ako eh panay tigas at sakit lang ng puson ko until now

sana aku din makakaraos na duedate ku ngayung april 26 wla sumaskit yung puson ku pru mwawala nmn

4y ago

malapit na po yan momsh

congrats mommy❤️❤️sana aku din makaraos na .37/3days na aku now☺️

VIP Member

Congrats po mamsh. Sana ako din makaraos na at makayanan ang panganganak ☺️

4y ago

kaya nio rin po yan momsh

TapFluencer

congrats po sn all mkraos na... 2 mos p hnihintay q...

TapFluencer

congrats mommy ♥️ may 2 EDD ko . sana makaraos na rin ako 😅

4y ago

malapit na po yan momsh dont worry ☺

VIP Member

🥰🥰 congrats mamshie and hubby!🎉🎊💐👏🏻

Post reply image

Congratulations❤️ soon to be mommy too😍