38weeks 4days EDD JULY 29 DOB JULY 18

Thank God nakaraos din hehe 😭 Ako po yung nagpost nung July 18, 8am nakakaramdam na ko ng every 5mins para akong napapatae then tanghali nagstart na every 20mins masakit na puson ko tapos panay ihi pero tolerable kaya diko pinansin nasa bahay pa din ako pero nagstart mag squat konte tapos 5pm naligo na ko kasi baka nga naglalabor, kinausap pako ng isang buntis dito samin na panay tanong kelan ako manganganak nako sinagot ko na baka mamaya kasi gento ganyan na pakiramdam ko sabi nya di pa yan labor nakakangiti kapa e, tapos sabi ko joke lang, wlaa kasi ako pinag sabihan kasi baka nga hnd pa labor , then 7pm nagpunta na kami lying in nagpasama ako kasi napapadalas na pag sakit ng puson ko, pag dating sa Lying in pag IE sakin 1-2cm na daw ako active na labor ko then pag tanggal ng daliri ng midwife may lumabas na tubig tapos don na nagstart na sobrang sumakit na puson ko pagdating ng 8:30pm 5cm nako so matagal pa daw pero ako nagwawala na hahhaa sa sobrang hirap, may tinurok sakin then pagdating ng 9:03 lumabas na baby ko. Pero magaling talaga nagpaanak sakin kasi ginalaw galaw nya cervix para lumaki na daanan ng bata. Chanan!!! Panay sabi nila mataas pa daw tyan ko di pako manganganak kaya nagulat sila napaaga ng 2weeks ;)

38weeks 4days EDD JULY 29 DOB JULY 18
51 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats mommy. Ako nga din lagi nilang sinasabi nun na mataas pa yung tyan ko pero nung nakaramdam ako ng labor tuloy tuloy na. Akala nila bibilang pa ako ng days bago manganak kasi nga 1 cm palang ako nung pumunta ako ng hospital tapos mataas nga tummy ko then umuwi kami. But after 1 hour balik kami uli hospital kasi sobrang sakit na, pagka IE sakin 5cm na agad. After 1 hour lumabas na si baby. Kaya minsan talagang pag time na ni baby lumabas lalabas na talaga. Kaya sa team July na hindi pa makakaraos, don't worry, pray lang mga momsh. Makikita rin ninyo at mahahawakan ang mga LO niyo. Wag lang masyado pakastress😊

Magbasa pa
4y ago

totoo yan sis. wala sa taas at baba ng tyan talaga

Hays same same lng tayo PO.. ako PO 38weeks and 5days n .. puro sakit puson lng.. lakad umaga at hapon.... Wala p din.. nkakastresd mga kpitbhay ,d p daw ako nangnganak .. e July 29 p nmn tlga due ko.. haist.. nkakainip.. Sana manganak n tayo mga team July.. at safe delivery s lahat satin.. GODBLESs.. and congrats sau mommy..

Magbasa pa
4y ago

oo ganyan sila haha. squat sis kain pinya po

Sana all pde na manganak😭 3cm nko preterm labor😭 35weeks plang kaya dipa pde umanak..excited na excited na ung baby ko sa tyan ko ung ulo nya nasa laylayan na ng cervix ko😪😪

4y ago

Kaya nga sis eh .. excited na sya lumabas😪

Congrats po. Magkapareha lng tayo ng edd pero ako wala pang sign 😟 sana makaraos na ako by these week gusto ko na talaga lumabas baby ko 🤗

4y ago

squat lang sis kain pinya hehe saka lakad unte

Congrats huhu sana ganyan kabilis lng. Ako nung july 16 pa 1cm peo hangang ngayun wala pa ako nararamdamn na kahot anu.

4y ago

squat kain pinya po.. saka magaling kasi may hawak sakin na midwife

Congrats sana ako dn mka raos na edd july 29 pero hanggang ngayun no sign of labour pdin

4y ago

squat kain pinya sis hehhe

congrats mommy sana all makaraos na ask ko lang mommy yung edd mo lmp ba or via utz?

4y ago

ultrasound sis :)

Super Mum

Congrats mommy! Team july din ako hehe July11 ako nanganak. Happy breastfeeding 🥰

4y ago

Thank God nakaraos na

Same edd tau mamsh😢 inip na inip na ako huhubels so excited makita si baby

4y ago

squat at pinya lang ako sis

Sana ako rin.. makaraos😇 By God's Grace 😇