Sa mga naka experience na ng miscarriage, ilang months tyan nyo nun at ano nangyari?
Tell me your stories!
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
hnd po ako, yung ate kopo hnd nya po alam na preggy sya 3months na, ako po 10weeks nakong preggy nun. pinaalam ko agad sa knila na buntis ako, nung nagkita kita ulit kmi dahil namatay po ung tita ko sabi nila sakin bawal daw ako sumilip o tignan ung tita ko sa kabao ksi buntis ako. yung ate ko dhil hnd nya alam na mas nauna pa pala syang nabuntis sakin silip sya ng silip tas nung nalibing napo tita ko. nabalitaan ko nlng po na nakunan sya. twins sana anak nya, naiyak nlng po ako para sa ate ko ksi alam kong gustong gusto nya tlga magkababy. ngayon po 23weeks nakong preggy. hnd kopo alam kung totoo ung pamahiin pero parang ganun na nga rin po. skl
Magbasa payear 2016 november 07 ako naCS sa 1st pregnancy ko. almost 7 months na noong namatay sya sa loob nang tyan ko. wala syang heartbeat, noong nagpaultrasound ako 3 days na pala syang wala. umabot ako ng 10days di parin lumalabas si baby. kaya naCS na ako. 2nd pregnancy ko nagfull term naman at very helthy si baby na nailabas ko, CS din. pero after 6months and 21 days namatay sya dahil sa pneumonia. ngayon 29 weeks preggy ako ulit. please pray for us most especially for baby na healthy baby sya. so far sa mga check up ko at sa ultrasound ko okay naman si baby at very healthy naman. thank God.
Magbasa payung sa dapat ay 2nd baby namin, from LMP ko turning 14wks na dapat pero sa mga ultrasound ang development is around 9-10wks. nakailang utz din kami, sa mga una wala pa yolk sac so balik ulit after a week or two until may yolk sac na pero heartbeat naman ang wala. ayun hanggang sumakit puson ko na parang dysmenorrhea yung pain na pawala wala tapos magccr lang ako dapat, pag upo ko sa bowl bumulwak yung dugo. nakakatakot kasi ang dami sobra tska tuloy tuloy. was rushed to the er and sa er naconfirm na bumuka na cervix ko and wala na talaga, after nun pnrep na ko for raspa.
Magbasa paAko po nung 2017. First baby po sana namin yun kaso blighted ovum, meaning may gestational sac but no embryo. May checkup pa dapat ulit ako nun kaso nag-spotting na ako at 8wks po ata yun. Sobra sakit ng puson at balakang ko, yun pala miscarriage na. No need iraspa kasi sumama na yung dugo sa pagbbleed ko. Pnag-pills ako ng OB kase bawal pa daw mabuntis after nun kasi paga pa yung matres. Ngyon po im 6mos pregnant, pero mababa po matres ko. Hopefully maging ok. 🙏🏻
Magbasa paLast December, 2018. first na pag bubuntis ko yun and anembryonic pregnancy yung nangyari walang nabuo na bata kaya kailangan na ilabas, sobrang sakit kasi almost 2 years namin na inantay yun pero hindi pa natuloy pero yung faith ko still remains kaya sabi ko lang lagi kay Lord in Your perfect time :) true enough last February, 2019 nag positive na ako ulit sa PT and I'm now 15 weeks pregnant. Thanks God, nothing is impossible to Him. 🙏😊❤
Magbasa palast year lang sis. 8weeks na ata sya nung na d&c ako wala na nakita sa loob after ko maultrasound nakaranas din kasi ako ng spotting start palang ng pregnancy pero ngayon bumawi naman si God preggy na ulit with normal heartbeat 😊 kaya sa mga nakaranas ng miscarriage wag mawawalan ng pag asa at tiwala kay God.😊
Magbasa paLast year June 25 ng makunan ako. Due to late development and wala ng heartbeat si baby. 8weeks na dapat sya pero sa ultrasound 6weeks and 5days lang sya. After 4months nabuntis ulit ako. And now i'm 29weeks and 2days preggy 😇
Almost 3 months momsh 😕 walang heartbeat, nakailang ultrasound na wala pa din kaya nag decide na yung OB na D&C na ako... Pero after a year naman we were blessed na makabuo and finally maayos na nakapanganak.
almost 3month galing pako mall namili pangbuntis ko pag uwi ko nag spotting nako tuloy sa bleeding hanggang kinabukasan umaga 11am lumabas na baby ko kasing laki ng kamo, year 2014 un
4 months ako nun walang heartbeat pero malakas kapit sa tyan. Naka move on naman na kasi may bagong blessing ulit. 2017 nangyari sakin yun
Dumugo unti pero d ako nagsuspect na malalaglagan ako kasi sa unang anak ko dumugo din ako
Preggers