COVID POSITIVE WHILE PREGNANT

Tatlong pagbubuntis na to isa patay isa buhay, kabuwanan ko na ngayun . Due date ko 29 . Nag paswab kami kase nilagnat yung husband ko saka yung asawa ng hipag ko . And nawalan ako pang amoy kaya nag suggest akong mag quarantine kaming apat na couple . Nag paswab kami ng april 9 kahapon nakuha namen result as a positive nga :( so kahit pwede na kong manganak anytime kailangang wag muna lumabas hanggat di ako negative :( natatakot ako .. #advicepls #babygirl #CovidPositive

COVID POSITIVE WHILE PREGNANT
17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Keep praying, mommy. Father ko & husband ko nag positive last April 7 (both asymptomatic). Nagpa swab kami kaagad at sa awa ng diyos, negative kaming mga na exposed sakanila. Masakit isipin lalo na at due date ko ng April 23 sana, akala namin magkasama kaming mag asawa na sasalubungin 1st baby namin pero hindi pwede. Pero i know, everything happens for a reason, nanganak ako April 21. Mabuti na lang at nakayanan ko, nakayanan namin mag ina kahit muntik na ko ma ECS kasi biglang bumaba heart beat ni baby. Mommy, you just need to pray at lakasan ang loob mo. Think positive na malalagpasan niyo yan. COVID lang yan, wag tayo patalo. Take your vitamins, wag mag isip ng kung ano ano. Good luck & I'll pray for you, esp your baby. ๐Ÿค

Magbasa pa

Nagpositive din ako bago manganak pero ako asymptomatic, hindi ako nirequire magpare-swab. Home quarantine lang then monitor symptoms after 10 days of being asymptomatic tagged as recovered na ko. And on the day na natag as recovered ako, nanganak ako sa baby girl ko โ˜บ๏ธ

Pray lang po tayo, kami din po we need to undergo swab kasi nag positive po kapatid ko na expose po kami sa kanila 2 weeks ago. Magpapaswab kami for assurance po lalo't buntis ako. Let's pray for the best result po.

mommy same po tayo , now ko din po nalaman na positive din po ako sa covid kabuwanan ko narin po now , hndi papo ko nag rereport sa brgy natatakot po ako, gusto ko po sana mag pa swab uli para second opinion ๐Ÿ˜”

3y ago

kaya mo yan sis . yung nagpositive kami parang wala lang hehehhe

pray po mommy. mga kakilala ko n nag positive khit preggy safe nmn nakapag deliver at walng covid ang baby, hindi rin na apektuhan yung baby sa loob kahit nag positive mother.

Hi nanganak na po ako last april 28. 1st month kahapon ni baby girl ko. Thankyou sa prayer ๐Ÿ˜‡

Post reply image
VIP Member

How are you po mommy? Nakapanganak na po kayo? Sana po okay lang kayo lahat dyan.

VIP Member

Pray mamsh..God bless you and your family...Sana okay na kayong lahat..

VIP Member

Pray lang po sis. Relax lang wag magpapanic. Magpalakas ka din po ng katawan.

VIP Member

sending prayers momsh..Get well soon po sa inyo..God bless..