Pag mumuta ng mata ni baby

Hi, tanong lang po nag muta din po ba mga baby niyo? Baby ko po kase 1 month and 12 days na siya today. Nung 1 week palang po siya nag muta na yung left eye niya, normal po ba yun? Hindi naman po namumula yung mata niya, basta nag mumuta lang po siya. Ano po kayang magandang paraan para matanggal na pag mumuta ng baby ko? Lagi naman po namin pinupunasan ng bulak na binabad sa warm water. Sana po may maka sagot, naawa napo kasi ako sa baby ko, minsan nadikit yung mata niya. 🥺 Thanks in advance sa pag sagot.#advicepls #1stimemom #pleasehelp #firstbaby

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

momsh, ganyan din baby ko nung pinanganak ko. as per her pedia - maliit pa kc ung daanan ng nasal passage nila kaya nagmumuta. ang remedy- ung cotton basain mo ng warm water, then from sa muta nya pababa sa ilong nya punasan mo ng dahan dahan pero wag madiin. parang nagcocontour ka lang sa ilong nya, ganun. mawawala din yan

Magbasa pa
VIP Member

Hi mamshie pwede po yan instead na warm water breastmilk po ang ipahid nyo gnyan ung sa anak ng pinsan ko nung humingi sila ng breast milk sakin kasi ung nanay nung baby hindi breastfeed 3months ung baby and thank God 2 days lang nawala na po