Question lang po...

Tanong lang po may kagaya ko po ba simula 1st trimester hanggang 3rd trimester hindi masyadong magalaw si baby. Araw araw ko naman nararamdaman galaw ni baby kapag nakahiga minsan kapag naupo rin. Hindi sya malakas sumipa lagi lang syang naalon at may nararamdaman akong tibok na malakas na nakikita ko nagalaw tyan ko. Kada check up ko okey heartbeat at galaw ni baby. Naiingit lang kasi ako sa iba na ang lakas daw sipa ng baby nila at healty daw kapag ganun. Sakin kasi hindi man lang ganun. Dahil ba baby girl anak ko. O anterior placenta high lying ako. Sabi ng medwife sakin may ganun daw talaga. May ganto po bang mommy na katulad ko. #1stimemom #firstbaby #pregnancy #advicepls

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same feeling nung pinagbubuntis ko baby boy ko. Ngayon 24 days old na sya pero parang bulate minsan pag nagkakawag. 🀣 Di ko nga binibilang noon kung gaano kadaming kick kasi mahinhin talaga sya. Masstress lang qko pag di umabot sa kota. Isang beses lang in my whole pregnancy yung nakunan ko sya ng video na gumalaw di pa masyadong halata. 🀣 Basta okay heartbeat at bantayan mo na gumalaw sya araw araw okay sya. 😊

Magbasa pa