Faint line positive pero niregla

May tanong lang po ako, nag pt po ako nung may 1, 4days delayed na po ako nun and may faint po ako nakita. Lumabas po siya agad kaya di po siya evaporation line at tsaka everymonth nag ppt po ako dahil ttc nga po kami and kahit tumagal siya di rin po nagkakaroon ng evap line mga pt ko, lagi po siyang one line lang (same brand lang po gamit ko) and yun na nga po, may faint po nung nag pt ako, then wait lang po sana ako ng 1 week bago mag test ulit kaso po kahapon, may lumabas na dugo sakin. una mahina lang, pink at pumatak patak then bigla po lumakas. ano po kaya yun? sobra po akong nanghinayang, 2years na po kaming ttc, then ganito pa.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

maybe false positive or chemical pregnancy. kung chemical pregnancy you may bleed heavier than the usual po. pero pacheck up po para sure kung bakit nagfaint line at nagbleed

patingin niyo na lang sa OB ninyo para mabigyan kayo ng gamot at maagapan ang dapat agapan