Labor na ba ito 😭😭?

Tanong lang mga sis, kahapon na pag ie sakin dinugo ako hanggang hapon. Tapos pag dating ng gabi sumasakit sakit na yung puson ko na parang nireregla parang every 5 mins yung sakit tapos itinulog ko lang. Kaninang umaga naman may lumabas sakin na dugo tapos pinkish tapos nakirot kirot na naman yung puson ko pati yung balakang ko nangangalay itinulog ko ulit nawala na. Labor na ba yun mga sis? And okay lang ba maglabor ako kahit mataas pa rin ang tiyan ko? Nakailang squat na ako sobrang layo na ng nilalakad ko para matagtag pero mukang wala pa ring progress. Hays. Kabwuwanan ko na ngayon. Sana matulungan nyo ako. Thank you. :) #1stimemom #firstbaby #advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Normal lang po mommy na may bloody show after IE. Possible na Braxton Hicks pa lang yung contractions kasi nawawala wala pa rin po at nakakatulog ka pa rin. You can refer to the chart po to know kung true labor na. Hope it helps. Have a safe delivery soon. 💛

Post reply image