Chocolates and Sweets

Tanong ko lang po kung masama ba yung chocolates, mocha and sweets sa buntis? Sabi po kasi ng OB poisonous daw po sa baby yung sweets. Pero nakikita and nababasa ko naman po sa mga kommies na nagccrave and kumakain sila ng sweets and chocolates pero okay naman po baby nila. Medyo mahilig po kasi ako sa mocha and sweets.

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wag lang po sobra mamsh. Ok lang po yun pero if inadvice ng ob nyo na wag sundin nyo nalang po tikim ka siguro one or two bites lang if talagang nagccrave ka. Ako kasi mag 5 months na nung nalaman kong buntis ako and mahilig tlga ako magchocolate eversince pero ngayon iniiwasan ko na unless gusto ko talaga maglikot si baby kasi alam ko hyper sya pag nag chocolate. Wag lang talaga lagi. Mahilig din ako sa starbucks noon pero now iwas na talaga chocolate drink nalang pero syempre palagi ako water as in plenty of water. Para iihi mo lang din ng iinhi. Awa ni God wala naman ako nung gestational diabetes pero syempre ingat parin kasi ika 6th month ko palang. Tas ibalance mo na if nasobrahan kana sa pagccrave tama na yun back to healthy foods kana ulit. Sabi ng mama ko mas madali daw po magpalaki ng bata pag labas kesa pag nasa loob sya kasi mahirap daw po ma cs. 🙂

Magbasa pa

hndi nmn sa poisonous..moderate eating lng kc pwede sya mag cause ng complications sayo and sa baby like GDM, or kay baby hypoglycemic, and pwedeng mag cause ng sobrang paglaki ng baby mo. pag nangyare un, mahihirapan ka i-normal delivery sya

Nung first check up ko sa OB tnanong ko sya if bawal ba ang sweets sbi nya hndi naman dw kasi kng dun ka naman nasanay pero since 3 months na c baby nagleless n ko sa sweets bka lumaki sa loob ng tummy c baby bka mahirapan manganak😊

Pinagbawal din sakin sweets e. Pero paglilihi is lifer ngatngat ako ng ngatngat nun ng chocolates chaka mga cupcakes HAHAHAHA ok naman si baby ko 32 wks na kame now😊 siguro moderate lang dapat kasi.

VIP Member

caffeine sis di pwede sa baby. meron nun ang chocolates. tska nakaka hyper sa baby at pwede ka din ma prone sa gestational diabetes kayo ni baby. onte onteng kain lang like twice a month

VIP Member

Bawal po masobrahan sa sweets kasi magiging diabetic si baby. Mangga nga lang kinakain ko pinabawasan pa ng OB. Nasobrahan kasi sa matamis. Kada kain tatlo o apat na mangga 😅

hindi naman po masama. kase po nung naglilihi ako puro ako sweets. wag lang po sigurong sobra kse sabi nila nakakalaki daw ng bata heehhe. pero must ask your OB po para sure.

VIP Member

Ako rin po binawala ng ob . 6months preggy palang po kase ako pero nakakaexpirence nko ng discharges Dahil daw yun s sweets and softdrnk kaya iwas iwas muna para kay bby

me too mommsh halos araw araw kumakain chocolates nung buntis ako di maaring alang chocolates... nung nanganak nmn ako okey nmn si baby very healthy...😊

Grabe yung poisonous ah 😂 Pwede naman, ang risk lang is pwede kang nagka diabetis kapag naoasobra ka sa sweets kase ang buntis prone sa diabetis