17 WEEKS of Pregnancy

tanong ko lang po fellow moms if normal lang po bang hindi pa nararamdaman ang paggalawa ni baby sa tiyan? 17 weeks na po ako at walang sign na gumagalaw siya, nagpapatugtog na po ako ng music, binabasahan ko rin ng bedtime story pero hindi pa rin po nagalaw any tips and advice po. love u all #1stimemom #pregnancy #advicepls

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sakin mamshie naramdaman ko first pintig pintig ni baby 19weeks😊 pero. Meron naman nga mas maaga sakin medyo late kasi nalaman namin upon UTZ nung 21 weeks ako ANTERIOR PLACENTA ako may factor din kasi ang placenta position natin mamshie para maramdaman galaw ni baby

VIP Member

pagpitik palang po usually ang nararamdaman pag ganitong week and bihira palang. kung wala naman pong problema sa result ng ultrasound wala naman pong dapat ikabahala. 20 weeks above, palakas na ng palakas at padalas na rin ng padalas mo mararamdaman movements niya

Usually po 20 weeks onwards po ramdam na ramdam si baby. Madalas po sa ganyan week e parang mga pitik pitik pa lang. As long okay naman po ultrasound niyo no need to worry. Try niyo po after niyo kumain lalo na ng matamis/cold food.

sakin naramdaman ko na siya parang nagroroll siya sa loob nung 20weeks na. 17 weeks pitik pitik pa lang. 20weeks above di ka na masyado makakatulog kasi malikot na siya.

pag anterior placenta po ninyo momsh talagang di mo gaano ramdam si baby. papitik pitik palang siya minsan. sa akin naramdaman ko ung likot niya 22-23 weeks na.

Pagkatapos nyo pong kumain, pakiramdaman nyo po tyan nyo, usually tuwing pagkatapos kumain doon sila gumagalaw kahit mahina lang, parang pitik lang ganon.

Hinde mo pa yan mararamdaman kasi masyado pa syang maliit. Pwede mo na syang maramdaman by week 20

sa akin nmn, lumilikot nmn kpg lilipat cia at pumitik 4months na mahigt

VIP Member

try nyo po pagtapos mo kumain gagalaw si baby